Naglakad siya palapit sa isang bench kung saan tahimik na nakaupo ang isang babae. Nang maulinigan nito ang kaniyang mga yabag ay napalingon ito sa kaniya. Isang mahinhing ngiti ang sumilay sa mga labi nito. Muli siyang napabuntong-hininga.
“Wala talagang kadala-dala ang isang ito,” lihim niyang naisaloob. “Pagbigyan ko na nga, kawawa naman, eh.”
Huminto siya sa tapat ng babae. Napatitig ito sa kaniyang mukha. Ngumiti siya pero nag-anyong ngisi iyon.
“Grabe, mukha talaga siyang tanga,” muli niyang naisaloob. “Wala na ba siyang pagpapahalaga sa sarili niya kaya patuloy pa rin siyang habol nang habol?”
Tumikhim siya at pilit nang umakto ng sibil. Nanatitili pa rin nakatingin sa kaniya ang babae. Nang dahil doon ay siya na ang unang nagsalita.
“Pasensya na kung nahuli ako; traffic kasi eh,” pagsisinungaling niya. Ang totoo’y sadya siyang nagpatanghali para paghintayin ito. “Ano, kumusta ba?”
“Ayos lang,” mahinahon namang tugon ng babae. “Pasensiya na rin kung bigla na naman ako sa’yong nakipagkita. Pasensiya na rin sa mga sinabi ko sa’yo sa huling mensahe ko. Pasensiya na sa lahat.”
Hindi siya kumibo. He felt bigger. Biruin mo, siya na nga itong nambalewala ay ito pa ang nanghihingi ng pasensiya sa kaniya ngayon?
“Hay,” sa ikatlong pagkakataon ay buntong-hininga niya. “Grabe, sobrang tanga talaga niya.”
Subalit hindi niya sinabi kung ano ang totoong tumatakbo sa kaniyang isip. Sa halip ay muli siyang ngumiti rito. Isang ngiti na muli rin nag-anyong ngisi.
“Hayaan mo na `yon,” aniya. “Kalimutan na natin `yon.”
Ang isang bahagi ng kaniyang isip ay pinipilit siyang tapatin na ito upang hindi na ito patuloy na umasa pa. Subalit salungat doon ang dikta ng kabilang bahagi ng kaniyang isip. Ang sabi ng kabila’y patuloy niyang paikutin ang ulo ng naturang dalaga at paglaruan ang damdamin nito.
“Kung gano’n,” wika ng dalaga na nakaputol sa kaniyang kasalukuyang diwa. “Kung gano’n, okay na uli tayo?”
“H-ha?” napangisi uli siya at napakamot sa batok. “O-oo naman, okay na okay tayo.”
Ngumiti ang dalaga ngunit hindi katulad ng ngiti nito kanina ay may kakaiba doon. There’s something evil behind it. Hindi niya naiwasang makaramdam ng kung anong kaba.
“Great,” bulalas nito. “So, I’ll see you?”
Napakunot-noo siya. Itatanong pa lamang sana niya kung ano ang ibig sabihin nito sa huling pahayag nang biglang may kung anong matigas na bagay ang tumama sa kaniyang ulo. Yumanig ang buong paligid, at bago pa niya tuluyang mamalayan, unti-unti nang nabalot ng dilim ang lahat.
***
Nagmulat siya ng paningin; malabo at mistulang umiikot iyon. Ipinilig-pilig niya ang ulo upang maibsan ang naturang panlalabo. Nang bahagyang luminaw iyon ay natagpuan niya ang sarili sa loob ng isang abandonadong warehouse. Napakadilim sa loob niyon at bukod sa isang munting liwanag na dulot ng aandap-andap na ilaw sa kaniyang ulunan ay wala na siyang iba pang masumpungang liwanag. Binalot nang matinding takot ang kaniyang dibdib. Sinubukan niyang gumalaw ngunit ang sunod na tumambad sa kaniya ay ang mga kamay na nakagapos sa kaniyang likuran. Sinulyapan niya ang mga paa; pati ang mga iyon ay nakagapos rin.
“A-anong…?” hindi magkandatutong bulalas niya. “B-bakit ako…?”
Hindi na niya nagawa pang ituloy ang sinasabi. May mga yabag siyang narinig mula sa di kalayuan. Natatarantang nagpalinga-linga siya sa madilim na warehouse.
“S-sinong nandiyan?” apela niya. “M-may tao ba diyan?”
Palapit nang palapit ang mga yabag. At habang lumalapit iyon ay palakas rin iyon ng palakas. Pero wala na yatang mas lalakas pa sa tibok ng kaniyang puso nang mga sandaling iyon. Takot na takot siya. Pakiramdam niya ay bibigay ang kaniyang mga tuhod.
“Hi,” mahinahong bati ng isang pamilyar na tinig. Tumawid ito sa munting liwanag sa kaniyang harapan. Naging malinaw ang imahe nito sa kaniyang paningin. “Kumusta?”
Natigilan siya nang mapagmasdan ito. Anong ginagawa ng naturang dalaga doon? Parang kanina lang ay kausap niya ito sa may park. Pareho ba silang nakidnap? Pareho bang nanganganib ang kanilang mga buhay? Pero bakit hindi ito nakatali na tulad niya?
“Nababasa ko sa mukha mo na ang dami mong gustong itanong sa’kin,” kalmado pa rin na wika nito. Naglabas ito ng isang mansanas na pulang-pula. Balewalang kumagat ito doon. “But if I were you, I’ll refrain from asking them. I-conserve mo nalang ang lakas mo. Madami pa naman tayong larong lalaruin ngayong gabi.”
“A-anong…” napalunok siya. “A-anong ibig mong sabihin?”
Ngumisi lamang ang dalaga. Nagtungo ito sa isang sulok. Pagbalik nito ay may bitbit na itong isang monoblock chair. Naupo ito nang paharap sa kaniya; nangalumbaba ito sa sandalan ng naturang upuan at bumukaka.
“Anong paborito mong kanta?” balewalang tanong nito sa kaniya. “Tumutugtog kang gitara, hindi ba? Ang ibig sabihin marami kang paboritong kanta. Bigyan mo ko ng isa.”
“Please,” pagsusumamamo nito na hindi pinansin ang kaniyang naunang pahayag. “Kung ano man ang—”
“Wrong answer,” putol kaagad nito sa kaniyang sinasabi. “Bakit ba hindi mo magawang sumagot nang diretso? Sayang, kung nagsabi ka lang ng paborito mong kanta, baka sakaling pinatugtog ko pa `yon. Pero sige na nga, `yong paboritong kanta ko nalang ang pakinggan natin.”
Hinugot nito sa bulsa ng suot na pulang jacket ang isang remote control. May kung anong pinindot ito doon. Ilang sandali pa at isang malakas na tugtugin na ang umaalingawngaw sa dalawang malalaking speaker na hindi agad niya napansing nakalapag pala sa magkabilang gilid niya. Halos mamanhid ang kaniyang mga tenga sa sobrang lakas.
♪ I want you to know / that I’m happy for you. I wish nothing but/ the best for you both. An older version of me/ Is she perverted like me? Would she go down on you in a theatre? Does she speak eloquently? And would she have your baby? I’m sure she’d make a really excellent mother. ♪♪
Nawala bigla ang kulay sa kaniyang mukha habang pinakikinggan niya ang liriko ng kanta. Napatitig siya sa dalaga at nakita niyang titig na titig rin ito sa kaniya. Wala na siyang matanaw na kahit anong bakas ng paghanga sa mga mata nito nang mga sandaling iyon. Parang ibang babae na ang kaniyang kaharap; isang babae na wala sa katinuan.
“Bakit?” tanong nito sa kaniya sa gitna ng malakas na tugtugin. “May naalala ka ba sa kanta?”
“Please,” muli niyang pagsusumamo. “Please, tama na.”
“Psh! Duwag! Hindi mo magawang harapin ang sarili mong multo,” ismid nito na hindi pinansin ang kaniyang naunang pahayag. “Kelan mo balak sabihin sa’kin na may girlfriend ka na pala?”
“Nagmamakaawa ako,” aniya. “Tama na,”
“Nasiyahan ka ba?” patuloy nito na hindi siya pinakinggan. “Nasiyahan ka bang panoorin akong parang tangang humahabol-habol sa’yo habang nakikipaglandian ka sa ibang babae?”
♪ And I’m here, to remind you / Of the mess you left when you went away / It’s not fair, to deny me / Of the cross I bear that you gave to me / You, you, you oughta know. ♪♪ Ang patuloy na buga ng kanta.
Halos mabingi siya sa magkahalong tinig nito at tugtog na bumabayo sa speaker. Gusto niyang takpan ang kaniyang tenga ngunit hindi niya magawa dahil nakagapos ang kaniyang mga kamay. Nakangiwing napayuko nalang siya habang sumisigaw.
“Ha ha ha,” bulalas nito habang pinapanood siya. Inilabas nito ang mansanas na hawak kanina. Kumagat uli ito doon. “Ako naman ang masisiyahang panoorin ka ngayon.”
“Ano bang gusto mo ha?!” sigaw niya rito. “Ano bang gusto mo?!!!”
Hindi ito tumugon. Sa halip ay nanatili lamang itong nakatitig sa kaniya habang kinakagat ang hawak na mansanas. Nang bumuga uli ang kanta sa speaker ay inihagis nito iyon sa kanyang harapan at sinabayan ang naturang kanta.
♪ Did you forget about me, Mr. Duplicity? / I hate to bug you in the middle of dinner/ It was a slap in the face / How quickly I was replaced / And are you thinking of me when you fuck her? ♪♪
Tumindig ito pagkatapos. Sinipa nito nang malakas ang kaniyang inuupuan at natumba siya patalikod sa maalikabok na semento. Sinabunutan siya nito at isinubsob ang kaniyang ulo malapit sa mansanas na ihinagis nito kanina sa kaniyang harapan. Wala siyang magawa kung hindi ang mapaungol.
“Binigyan na kita ng pagkakataon,” mariin na bulong nito sa kaniyang tenga pagkatapos. “Binigyan na kita ng pagkakataon para manghingi ng tawad sa mga kagaguhang ginawa mo sa akin. Pero sinayang mo. Sinayang mo dahil hinintay mo pa ring ako ang manghingi ng tawad sa’yo kahit alam mo ang kasalanan mo.”
Hindi niya nagawang bumuwelta. An extreme guilt flooded his senses. Naalala niya kung paano niya ito pinagtawanan kanina sa isip niya habang nanghihingi ito ng tawad sa kaniya.
“Nasiyahan ka ba ha?” ulit na tanong nito sa kaniya. “Nasiyahan ka bang paulit-ulit na pagtawanan ang katangahan ko?”
Lalong humigpit ang pagkakasabunot nito sa kaniyang buhok; ang pakiramdam niya ay bubunutin na nito ang kaniyang buong anit. Sinubukan niyang kumawala ngunit sumobra ang lakas nito na hindi niya rin magawang paniwalaan. Hinila nito pataas ang kaniyang ulo at ibinangag iyon sa semento. Sa lakas ng pagkakabangag ay may tumalsik na dugo mula sa kaniyang ilong.
“Ugh,” para siyang mawawalan ng ulirat. Sa kabila niyon ay pinilit niyang mag-angat ng ulo. Nakita niya itong nakatayo na sa kaniyang harapan habang nanatili naman siyang nakadapa sa may semento.
“P-parang awa mo na…”
“Ha?” nakangising sabi nito sa kaniya na kunwaring iniumang pa ang isang tenga. “Anong sabi mo? May sinasabi ka ba? Hindi kita marinig, eh.”
Humalakhak ito na parang dimonya. May dinampot itong isang paddle na tadtad ng pako pagkatapos. Napalunok siya at kusang napagapang paurong. Lalong lumakas ang mga halakhak nito. Hindi nagtagal, nang muling bumuga ang kanta mula sa speaker ay sinabayan nito iyon habang dahan-dahang ding humakbang palapit sa kaniya.
♪ `Cause the joke that you laid in the bed / That was me and I’m not gonna fade / As soon as you close your eyes, and you know it / And every time I scratch my nails / Down someone else’s back I hope you feel it…♪♪
Bago pa tuluyang lumayo ang distansya niya rito ay may dalawang pares na ng malalakas na braso ang pumigil sa kaniya. Inalis siya ng mga ito sa upuan at tinanggalan ng pang-itaas. Itinali siya nito paharap sa isang poste pagkatapos.
“Thanks, boys,” sabi ng dalaga sa mga ito. “Ako nang bahala rito.”
“Please, please, parang awa mo na,” halos habulin ang hininga na pagmamakaawa niya. “I’m sorry! I’m sorry! I’m sorry for everything!”
Nakangising napailing-iling ito. Nilapitan siya nito mula sa poste. Iniatras niya ang kaniyang ulo ngunit agad nitong kinawit ang kaniyang baba gamit ang mahahaba at matatalim nitong kuko.
“Too late,” pumapalak na sabi nito sa kaniya habang marahang tinatapik-tapik ang kaniyang pisngi gamit ang isang kamay. “Too late, my dear,”
Pagkasabi niyon ay nagtungo ito sa kaniyang likuran. Hinaplos nito nang dahan-dahan ang kaniyang pawisang likuran. Napaigtad siya.
“Oopps, sorry,” sarkastikong bulong nito sa kaniyang tenga. “Would you prefer this paddle instead of my hands?”
Bago pa niya tuluyang masagot iyon ay sumalpok na ang paddle sa kaniyang likuran. Bumaon ang daan-daang pako niyon sa kaniyang likuran. Naglaho ang mga salita sa kaniyang labi at napalitan nang isang mahabang ungol.
“What?” nasisiyahang sabi nito sa kaniya. “I can’t hear you!”
Hinila nito pababa ang paddle sa kaniyang likuran. Halos mawalan siya ng ulirat nang maramdaman ang paggadgad ng mga nakabaong pako sa kaniyang laman. Sinubukan niyang pumadyak ngunit pati ang tuhod niya ay bumigay. Napaluhod siya mula sa may poste.
“Can you feel it?” sigaw nito. “Can you fucking feel it?!!!”
Napangisi ito habang pinagmamasdan siya. Nang tila magsawa sa panonood sa kaniya ay dinukot nito ang isang kamera mula sa bulsa. Kinuhanan siya nito ng litrato habang nakaluhod.
“I knew it,” malakas na saad nito. “Alam kong darating ang araw na ito na luluhod ka sa harapan ko.”
Nagpalakad-lakad ito sa kaniyang paligid na tila sinisipat ang bawat anggulo niya. Di kalaunan ay umalis ito sandali. Pagbalik nito ay may bitbit na itong isang timba na naglalaman ng suka. Ibinuhos nito iyon sa kaniya. Napaigtad siya at napasigaw nang manuot iyon sa kaniyang sariwang-sariwang mga sugat. Ang kaniyang mga sigaw ay sinabayan nito ng mga halakhak.
“Masakit ba?” tanong nito sa kaniya pagkatapos. “Kasingsakit ba ng ginawa mo sa akin?” itinaas nito ang kaniyang lungayngay na ulo. “Sumagot ka!”
Tanging ungol pa rin ang kaniyang nagawang isagot. Pahagis na binitiwan nito ang kaniyang mukha. Nag-aalab ang mga mata sa galit na pinagmasdan siya nito pagkatapos.
“Alam mo bang ang dila ay dapat na ginagamit para sumagot?” anito. “Kung hindi mo gagamitin `yan, walang kwenta na nandiyan pa `yan.” napangisi ito. “At alam mo ba kung ano ang ginagawa sa mga walang kwentang bagay?”
Nanginginig na napaangat siya ng ulo. Halos mabulunan siya sa sariling laway ng makita niyang naglabas ito ng isang cutter. Nangislap ang talim niyon mula sa aandap-andap na liwanag ng ilaw mula sa di kalayuan.
“H-huwag…” nagkakandabulol nang saad niya. “H-huwag… p-pakiusap… p-please…”
Dahan-dahan itong lumapit sa kaniya. Sinubukan niyang umatras ngunit naalala niyang nakatali nga pala siya sa may poste. Nagkakawag siya pero wala rin iyong nagawa para makalayo siya kahit na isang pulgada lamang mula sa papalapit nitong anino.
“Isipin mo nalang na gagawin ko ito bilang isang pabor para sa’yo,” sabi nito sa kaniya. “Pagkatapos nito, hindi ka na makakapagsinungaling. Wala ka nang malolokong kahit sino sa pamamagitan ng mga mapagpanggap mong salita. Wala ka na ring pagtatawanan dahil wala nang boses na lalabas diyan sa lalamunan mo.”
Hinaplos nito ang kaniyang mga labi. Gumapang ang kilabot sa kaniyang balat. Sinubukan niyang pumalag pero may dumating na kasamahan nito. Hinawakan nito ang kaniyang ulo at dinuro ang kaniyang mga mata. Napasigaw siya, at sa pagsigaw niyang iyon, hinila nito ang kaniyang mahabang dila. Pinalipit nito iyon nang mariin bago inilabas ang cutter.
“Any last words for me, dear?” nakangising sabi nito na bahagyang niluwagan ang pagkakapalipit sa kaniyang dila. “Baka sakaling magawa mo pang mabago ang isip ko?”
“Am.sow.wi,” tanging lumabas sa kaniyang bibig. “Am.sow.sow.wi.pwis…”
“Ah,” nasisiyahang bulalas nito. “I know you mean well, my dear, but I’m sorry, I can’t understand what you’re saying.”
Pagkasabi niyon ay walang babalang itinarak nito ang cutter sa kaniyang dila. Nanlalaki ang mga matang nagsisigaw siya; nagkakawag; nagsisisipa ngunit huli na ang lahat. With one stroke from her evil hands, tuluyan nang nahugot ang kalahati ng kaniyang dila. Tumalsik ang dugo mula doon na para bang ulan na biglang bumagsak sa isang uhaw na disyerto. She danced from it; from his own blood. Nagsasayaw ito habang muling sinasabayan ang tugtog sa speaker.
♪ `Cause the love that you gave that we made/ wasn’t able to make it enough for you/ to be open wide, no/ And every time you speak her name/ Does she know how you told me/ You’d hold me UNTIL YOU DIED/ `TIL YOU DIED, but YOU’RE STILL ALIVE ♪♪
Dumausdos siya sa may poste. Nakatirik ang mga matang lumungayngay ang ulo habang umaagos ang dugo mula sa kaniyang nakabukang bibig. Nilapitan siya nito at itinaas ang kaniyang ulo sa pamamagitan ng pagsabunot sa kaniyang buhok. Sinubukan niyang aninagin ito ngunit nagmistulang anino na lamang ito sa kaniyang paningin.
“Now, tell me something,” sabi nito sa kaniya. “Should I kill you?”
Katahimikan.
“Ah, right,” nakangising napatango-tango ito. “Silence means yes.”
***
Kinabukasan, sa bakanteng lote sa likod ng kanilang unibersidad, isang babae ang matatagpuang nakatayo sa harap ng isang bangkay ng hindi na halos makilalang lalaki. The horror could be seen from her eyes as she stared at the burned corpse in front of him. Gusto niya sanang lumapit ngunit hindi niya magawa dahil sa nagkalat na daga sa paligid. They are feasting on the man’s corpse.
“O-oh my goodness!” sigaw ng kasamahan na nahuli lang ng ilang minuto ang dating sa kaniya. “W-what is this?”
Hindi niya nagawang sumagot. Nakatulala lang siya, lumuluha, at yumugyog ang mga tuhod. Nanginginig na itinaas niya ang kamay di kalaunan at itinuro ang mga salitang nakapinta sa dingding kung saan nakasabit ang bangkay.
Pinaasa niya ako, ayon sa nakasulat sa dingding, Kaya pinaasa ko rin siyang bubuhayin ko siya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento