Linggo, Hunyo 30, 2019

Anibersaryo (Short Story)


Napangiti siya sa asawa. Inilapag niya ang mga bitbit na bulaklak. Lumapit at naupo siya sa tabi nito.

“Happy Anniversary, Concha.” Masuyong sabi niya rito.

Fifty-fifth wedding anniversary nila. Naalala niya pa, noong nagcelebrate sila ng golden anniversary nila, sinorpresa sila ng mga anak. Piniringan sila at dinala sa kung saan. Nang matanggal ang piring, natagpuan nila ang mga sarili sa isang simbahan, where they renewed their wedding vows. Sa harap ng apat na mga anak, sa harap ng sampung apo, sa harap ng pinakamalalapit na kaibigan. Walang pagsidlan ng kaligayahan ang kanilang mga dibdib noon. Natatandaan pa niya, pagkatapos ng kasal, sa isang barko sila nagpalipas ng magdamag. They cruised, watched the sunset together, habang mahigpit na magkahawak-kamay.

“It’s been fifty-five years pero hindi ka pa rin nagbabago sa paningin ko, Concha. Para sa akin ay ikaw pa rin ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Hinding-hindi ako magsasawang ipaalala sa’yo iyon araw-araw.”

Isinalang niya ang plaka ng kanilang theme song. “Till There Was You” ni Peggy Lee. Kinuha niya ito at sinimulang isayaw. Nang pumikit siya ay tila nagbalik siya sa taong 1939. Disi-otso anyos lamang ito noon habang siya naman ay bente-uno. Sinama siya ng pinsan sa isang piging kung saan nakita niya itong sumasayaw sa saliw ng isang masayang tugtugin. Napigil niya ang hininga habang pinagmamasdan ito. Sa loob ng ilang segundo ay inakala niyang huminto ang ikot ng mundo. She was the prettiest thing he have ever seen in his entire life.

“Hindi ko alam kung anong mabuting ginawa ko sa buhay ko para ipagkaloob ka sa akin ng Diyos, Concha. Basta’t ang alam ko lang, ang tumanda kasama ka, iyon ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Kung bibigyan ako ng Diyos na mamili ng makakasama sa pangalawang buhay, ikaw pa rin ang pipiliin ko. Mamahalin kita hanggang sa huling hininga ko.”

Dinala niya si Concha sa kanilang kwarto. Napagod siya at alam niyang gano’n rin ito. Kailangan nilang pareho ng pahinga. Nahiga sila sa kama. Dinampian niya ito nang masuyong halik saka niya ito niyakap nang mahigpit. Sa pagpikit ng kanyang mata ay isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. He could not think of any other place where he belong but to her side. Ilang minuto pa at may kumatok mula sa labas ng bahay. Ang kanilang mga anak. Walang kumilos sa kanila ni Concha para buksan ang pinto. Masyado nang mahimbing ang kanilang mga tulog. Kaya minabuti ng kanilang panganay na buksan iyon gamit ang spare key. Hinanap sila ng mga ito sa buong bahay hanggang sa isa sa mga ito ang dumako sa kanilang kwarto. Paglabas nito ay puno na ng luha ang mga mata.

“N-nasa kwarto si papa…” garalgal ang tinig na sabi nito sa mga kapatid habang patuloy sa pagluha.

Nagtatakbo patungo sa kwarto ang iba pa nilang mga anak. Napaluha din ang mga ito nang matagpuan siya sa kama. Wala nang hiningang lumalabas mula sa kanyang baga pero nanatiling nakasilay sa kayang mga labi ang isang matamis na ngiti.

“G-Goodbye, Daddy. I’m sure masaya ka na kung nasaan ka man. Magkasama na kayo ni mama. eh.” lumuluhang napangiti ito. “Happy Anniversary.”

Lumapit ito kasama ang mga kapatid sa kama. Yumakap ito sa wala nang buhay niyang katawan at sa mumunting urn sa kanyang tabi. Ang jar na pinaglalagakan ng abo ni Concha. Ang pinakamamahal niyang asawa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento