Linggo, Hunyo 30, 2019

Wanting & Wishing (Poem)

Tired.
Tired of staring at you from afar.
Tired of loving you.
Tired of wanting you.
Tired of wishing someday we'll be together.
Happy.
Happy of staring at you from afar.
Happy of loving you.
Happy of wanting you.
Happy of wishing someday we'll be together.
How.
How could you make me tired?
How could you make me happy?
How could you make me tired and happy at the same time?
How come these things that makes me tired, makes me happy, too?

Waiting Shed (Short Story)

I
Isa iyon sa pinakadilim na araw na nasaksihan niya sa tanang buhay niya. Itim na itim at kumpol-kumpol ang mga ulap at nagngangalit ang ulan. Paminsan-minsan ay may gumuguhit na kidlat sa kalangitan na naghahatid ng panandaliang liwanag at nag-uudyok sa kaniya upang mapahugot nang malalim na hininga. “Ahhh,” ang sambit niya. Dati-rati ay kinatatakutan niya ang kidlat, ngunit sa pagkakataong iyon, tila nakasumpong siya nang ginhawa at kalinga doon.

Isinandal niya ang ulo sa salaming bintana ng bus na sinasakyan. Mula doon ay tila isang malabong guhit lamang ang lahat ng kanilang dinaraanan. Ilang sandaling nakatitig lamang siya doon na tila ba nananaginip ngunit nang hindi nakatiis ay ikiniskis niya ang kanang kamay sa malamig at mamasa-masang salamin. Bahagyang napawi ang hamog na bumabalot mula doon.

Sa pagkakataong iyon ay biglang nagkaroon ng kung anong karambola sa may daan. Bigla ang pagpreno ng bus at sa lakas ay napasubsob siya sa may upuan sa kaniyang tapat. “Shit,” mariin ngunit mahinang mura niya. Hinihimas-himas ang noo na nag-angat siya ng ulo, at mula sa nilikha niyang maliit na bilog mula sa salaming balot ng hamog, natanaw niya ang isang waiting shed.

Nasa tapat sila ng isang waiting shed. Kataka-takang sa dilim ng panahon ay madali iyong mapapansin na para bang may nakatayong lamp post sa tabi niyon – ngunit wala. Sa pagkakaalam niya ay pansamantalang pinutol ang serbisyo ng kuryente sa buong lugar dahil sa hindi inaasahang malakas na bugso ng ulan.

Nakaramdam siya nang pangangati sa kaniyang mga mata. Naiiritang kinusot-kusot niya ang mga iyon gamit ang pareho niyang mga kamay. Nang muli siyang dumilat at tumingin sa may waiting shed ay nagulat siya nang makitang mayroon ng isang babaeng nakaupo doon. “What the-?” nawiwirduhang naisaloob niya. Kinusot-kusot niya uli ang mga mata sa pag-aakalang namamalikmata lamang siya ngunit sa muling pagtitig niya sa may waiting shed ay nanatiling nakaupo doon ang naturang babae.

Napapalunok na pinagmasdan niya ang imahe ng naturang babae mula sa salaming bintana ng bus. Nakasuot ito ng puting bestida, nakaupo sa gitna, nakayuko at natatakpan ng mahabang buhok ang mukha. Sa kanang kamay nito ay may hawak itong isang kulay pulang payong na mistulang ginagamit nito bilang tungkod.

Hindi niya alam kung anong nangyari sa kaniya ngunit biglang hindi na niya magawang ialis ang tingin sa naturang babae. Imposible man pakinggan, ngunit habang tumatagal, tila palapit siya nang palapit sa kinaroroonan nito. Huminga siya nang malalim. Hinga. Hinga. Hinga. Hanggang sa pakiramdam niya ay tanging ang bintanang salamin nalang ang namamagitan sa kanila nito.
“Shit,” mura niya uli ngunit sa pagkakataong iyon ay malakas na iyong rumehistro sa kaniyang pandinig. Nagpalinga-linga siya sa kaniyang paligid. Sa mga pasahero. Sa konduktor ng bus na nakatayo dalawang upuan lamang ang layo mula sa kaniya. Bakit walang kumikilos sa kanila? Wala bang naririnig ang mga ito? Hindi ba siya naririnig ng mga ito? Lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib.

Kabado man, lakas-loob siyang muling sumulyap sa may salaming bintana. Naroon pa rin ang babae ngunit hindi na ito nakayuko. Kalahati ng mukha nito ay nagagawa na niyang maaninag habang ang kalahati ay nananatiling natatakpan nang mahaba nitong buhok. Nakatingin ito sa kaniya at hindi niya rin napigilan ang sarili na hindi ito pagmasdan.

“A-ang ganda niya,” aniya ngunit hindi siya sigurado kung sa isip lamang o literal iyong lumabas sa kaniyang bibig. “A-ang ganda-ganda niya,”

Ngumiti sa kaniya ang babae na mistulang nabasa ang kaniyang iniisip. Napangiti rin siya. Ewan. Hindi niya alam. Hindi niya maipaliwanag. Pakiramdam niya ay isa siyang manyikang de pisi na bigla na lamang napapasunod kahit sa mga maliliit nitong galaw.

Kumislot ang bibig ng babae. Parang may nais ipahiwatig. Parang may nais sabihin ngunit hindi niya naman marinig.

“H-ha? A-ano? A-no `yon?” sambit niya sabay katok sa may bintanang salamin. “M-may gusto ka bang sabihin?”

Muling kumibot ang bibig ng naturang babae. Isang malamyos na tinig ang bumalot sa kaniyang pandinig ngunit sandali lamang. Sandali lamang dahil ang sunod ay isang nakabibinging ugong. Mga mararahas na buntong-hininga. At isang makapal at malamig na tinig ng isang lalaki.

“O, Vergara na ho, o! Vergara!” malakas na bulalas ng konduktor at niyugyog siya sa balikat. “Ser, Vergara na.”

Napaungol si Charles. Napadilat. Malabo. Malabo hanggang sa unti-unting luminaw. Napabalikwas siya mula sa pagkakadukdok sa may upuan sa tapat niya at tumambad sa kaniya ang nakakunot-noong konduktor.

“Okay ka lang, ser?” napapakamot ng ulong tanong nito sa kaniya. “Mukhang napasarap yata ang tulog natin, ah?”

Hindi na niya nagawa pang sagutin ang tanong nito. Hingal na hingal na luminga siya sa may bintana. Walang waiting shed. Wala na ring ulan. Maliwanag na uli ang kalangitan.

II
“They say there is darkness within us. Hanggang sa maimbento ni Edison ang electric light, halos ang kabuuan ng mundo ay nababalot ng kadiliman. Sinasabing ang pisikal na kadiliman at ang kadiliman sa kaibuturan ng ating mga kaluluwa ay minsang nagsama.”

Isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa buong klase. Walang nagsasalita. Lahat ay nakatuon ang tingin sa propesor sa harap na nang mga sandaling iyon ay tila iisang estudiyante lamang ang nakikita – si Charles. Nag-angat ng tingin si Charles mula sa kaniyang notebook na puno ng sari-saring doodles at nagsalubong ang tingin nila nito.

“O-okay,” tumikhim ang propesor at dali-dali nang inalis ang tingin mula kay Charles. “Para sa susunod nating klase, pakibasa ang ikatlong chapter ng inyong aklat. Pahina 44.”


Pagkasabi niyon ay dali-dali na nitong nilikom ang mga gamit. Ni hindi na nito nagawa pang magpaalam at agad nang lumabas ng kanilang room. Salubong naman ang mga kilay na sinundan ito ng tingin ni Charles.

“Yow!” biglang sikmat ni Josef. Napasinghap siya. Naupo ito sa kaniyang harap at sinipat ang kaniyang notebook. “Ano `yan?”

“H-ha?” distracted pa rin na tugon niya rito.

“`Yang mga drowing mo,” untag nito na inginuso pa ang notebook sa harapan niya. “Ano `yang mga `yan?”

Noon lamang nagawang pagtuunan ng pansin ni Charles ang notebook sa harap. Pinagmasdan niya iyon at muling napasinghap sa nakita. Drowing iyon ng isang waiting shed. Isang babae. Isang payong. Madilim. Madilim lahat.

“Okay ka lang ba p’re?” tanong sa kaniya nito nang hindi niya kaagad nagawang tumugon. “Bakit parang nangangalumata ka?”

Napalunok siya. Hindi siya nakatulog kagabi. Magdamag na bumabalik-balik sa kaniyang isip ang imahe ng waiting shed at ng naturang babae. Hindi niya alam kung totoong panaginip lamang ang lahat.

‘P’re, s-sandali lang, ha,” sabi niya kay Josef. “Babalik ako.”

Walang lingon-likod na dali-dali na siyang kumaripas palabas ng room. Nagpalinga-linga siya. Natanaw niya pa si Mr. Leviscus sa dulo ng hallway.

“Mr. Leviscus!” habol niya. “Mr. Leviscus, sandali lang!”

Huminto si Mr. Leviscus. Sumulyap sa kaniya. Pawis na pawis ito at mukhang tensyonado.

“I-isa iyong portal,” hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at matamang tinitigan sa mga mata. “Nasagap mo ang itim na enerhiya niya at sumanib iyon sa sarili mong itim na enerhiya.”

“A-ano?” naguguluhang tanong niya rito. “A-ano pong sinasabi ninyo, Mr. Leviscus? H-hindi ko po kayo maintindihan, eh.”

Subalit mistulang walang naririnig si Mr. Leviscus. Puno ng takot ang mga mata nito. Patuloy siya nitong niyugyog sa kaniyang mga balikat.

“I-iligtas mo ang sarili mo!” hindi magkandatutong bilin nito sa kaniya. “Iligtas mo ang sarili mo habang may oras pa!”

III
“O, Vergara!” malakas na wika ng konduktor. “Yung mga bababa ho ng Vergara diyan, o!”
Subalit mistulang walang naririnig si Charles. Paulit-ulit bumabalik sa kaniyang isipan ang mga sinabi sa kaniya ng kanilang propesor na si Mr. Leviscus.

“Isa iyong portal!” pag-echo nang makapal nitong boses sa kaniyang mga tenga. “Nasagap mo ang itim na enerhiya niya at sumanib iyon sa sarili mong itim na enerhiya!”

Ipinilig-pilig niya ang kaniyang ulo. Pumikit nang mariin. Sinubukang ipadyak ang mga paa. Kasunod niyon ay biglang dumilim ang buong paligid at bumagsak ang mabagsik na ulan.

“Lintik!” malakas na mura ng konduktor. “Kaaraw-araw palang kanina tapos bigla na lang umulan ngayon!”

Subalit hindi iyon gaanong rumehistro sa kaniyang pandinig. Ugong lang. Isang malakas na ugong na humalo pa sa ingay ng ulan. Sa sobrang lakas, pakiramdam niya ay mabibingi siya. Sinubukan uli niyang ipadyak ang kaniyang mga paa. Padyak. Padyak. Padyak. Subalit sa bawat padyak niya ay palakas lamang nang palakas ang ugong. Pabagsik lamang nang pabagsik ang ulan. Hinawakan niya ang kaniyang ulo at sinabunutan ang sariling buhok. Parang masisiraan na yata siya bait. Inumpog niya ang ulo sa may salaming bintana. Palakas nang palakas nang palakas hanggang sa may maramdaman siyang maagang kamay na dumampi sa kaniyang balikat. Dahan-dahan siyang lumingon at napigil ang sariling hininga nang tumambad sa kaniya ang babae sa may waiting shed.
Ngumiti sa kaniya ang babae. Ang kalahating bahagi ng mukha nito na dati ay natatabingan ng mahaba nitong buhok ay nakalantad na ngunit kaiba sa kabilang bahagi ay kulubot iyon. Pisat ang mata. May malalim na pilat at malahibo. Halos umurong ang kaniyang dila.

“Ang sabi mo sa akin, maganda ako,” wika nito saka bumingisngis. Malamyos sa una ngunit biglang tuminis. “Maganda ako, hindi ba?”

Hindi pa rin niya nagawang magsalita. Nanginginig ang mga kamay, paa, at pati tuhod niya. Nanlalaki ang mata na nanatiling nakatitig lamang siya rito. Gusto niyang kumurap. Gustong pumikit. Gusto niyang ituon sa ibang direksyon ang paningin ngunit hindi niya magawa. Hindi niya kaya.

“Dito lang ako sa tabi mo,” wika uli nito sa nauna nitong malamyos na tinig. “Magsasama tayo. Magsasama tayo, Charles.”

Napalunok siya. Sinubukang magsalita. Sinubukang tumanggi ngunit hindi niya pa rin magawa. Nanghihilakbot na pinagmasdan niya na lamang ito habang binubuksan nito ang hawak nitong kulay pulang payong. Itinapat nito iyon sa kanilang mga ulunan saka muling sumulyap sa kaniya. Ngumiti.
Nangunot ang noo ni Charles. Nagpalinga-linga siya. Ang buong akala niya ay nasa loob pa rin sila ng bus ngunit unti-unti ay tila bigla silang napunta sa ibang dimensiyon. Nawala ang mga pasahero. Ang konduktor. Ang driver. Ang mismong bus. Sa halip ay natagpuan niya ang sariling nakaupo sa may waiting shed. May bubong ngunit hindi niya maintindihan kung bakit patuloy ang pagpatak ng ulan. Malakas na ulan na sinasangga ng pulang payong nito. Tumingin siya rito. Nakangiti pa rin ito.

“Dito, sa tabi ko,” sabi nito sa kaniya habang unti-unting nababalot ng dilim ang kabuuan ng mga mata at lumalaki at lumalalim ang tinig. “Habang-buhay.”

IV
“AHHHHHHHHH!!!!”

Umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Charles sa buong hospital. Nagtakbuhan ang nurses papasok sa kaniyang room. Pilit siyang pinapakalma ngunit hindi siya mapakalma. Sa kaniyang paningin, ang mukhang taglay ng mga ito ay mukha pa rin ng babae sa waiting shed. Nagpapadyak siya.

“Please, please,” maluha-luhang pakiusap ng kaniyang ina. “Hayaan n’yong kausapin ko muna siya.”
Nagbuntong-hininga ang nurses at binigyang daan ang ginang. Lumapit ito sa kama ng anak na noon ay nakasandal sa headrest. Kipkip ang magkabilang tuhod at matatalim ang tingin sa bawat sulok ng kuwarto.

“Anak, anak, si mama ito,” tuluyan na itong naiyak. Pilit nitong kinuha ang mukha ng anak at ihinarap. “Si mama.”

Napatingin dito si Charles. Wari ay bigla itong nakasumpong ng isang mapagkalingang mukha. Dali-dali nitong sinungggaban ang ina at niyakap nang mahigpit.

“Mama,” iyak siya nang iyak. “Mama ko,”

“Diyos ko, anak,” humikbing wika nito. Hinaplos-haplos nito ang kaniyang likuran. “Ano bang nangyari sa’yo? Bakit ka ba nagkakaganyan?”

“Mama, hindi siya totoo, hindi ba?” aniya nang kumawala sa pagkakayakap sa ina. “Yung babae sa waiting shed, hindi siya totoo, di ba? Panaginip lang siya, di ba? Di ba?”

“Oo, anak, oo,” pag-aalo naman nito sa kaniya habang sinusuklay ng daliri ang kaniyang buhok. “Hindi siya totoo, anak.”

Mayroong kumatok sa pinto. Kapwa sila napalingon doon. Tumindig ang ginang ngunit pinigilan ni Charles ang kamay nito.

“Sandali lang, anak,” sabi nito. “Babalik ako.”

Binuksan nito ang pinto. Pumasok ang malamig at nakakikilabot na hangin ngunit walang tao. Pagkuwa’y yumuko ang ginang at may dinampot na kung ano sa sahig.

“M-ma?” nahintakutang wika ni Charles. “Mama, ano `yan?”

“Isang,” nagsalubong ang kilay nito habang nakatitig sa hawak. Pagkuway humarap ito sa kaniya at itinaas ang hawak. “Isang… pulang payong.”

Bodega (Short Story)

I

“Ma?”

Napahinto siya sa paghihiwa. Lumingon siya sa kaniyang likuran. Wala si Timothy.

“Timothy?” binitiwan niya ang hawak na kutsilyo at nag-hugas ng kamay sa may lababo. Nagpalakad-lakad at sinubukang hanapin ang anak. “Timothy, anak?”

Walang sagot at tila ba bumabalik lamang sa kaniya ang kaniyang mga sigaw. Kinutuban na siya ng hindi maganda. Ang kanina’y mabagal niyang lakad ay bumilis nang bumilis. Sinuyod niya ang bawat kuwarto sa kanilang bahay.

“Timothy!” humahangos na sigaw niya. “Timothy, nasaan ka?”

Napatda siya pagtapat sa may bodega. May kung anong ingay at kaluskos siyang narinig mula doon. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso, at dahan-dahan, nagsimula siyang humakbang palapit doon. Isa. Dalawa. Tatlo. Nang makarating sa tapat niyon ay napapalunok na pinihit niya ang gusgusing door knob.

“Timothy?”

Nagkahulugan ang mga kahon. Lumikha iyon ng isang malakas na ingay. Nasapo niya ang dibdib sa labis na pagkagulat.

“T-timothy?” tawag uli niya.

Nanumbalik ang dating nakabibinging katahimikan. Hindi na niya nagawa pang pigilan ang sarili. Tensyonado man ay nagsimula siyang humakbang papasok sa loob.

“Ma…”

Napahinto siya sa paghakbang. Nagpalinga-linga at sinubukang hanapin kung saang direksyon nanggaling ang tinig ng anak. Subalit madilim. Sadyang napakadilim sa loob.

“T-timothy, anak?” nahihintakutan nang saad niya. “N-nasaan ka ba, anak?”

“Mama ko,”

Wika lang uli ng tinig. Masuyo. Para bang nagmamakaawa.

“Timothy!” bulalas niya na hindi na naiwasang magtaas ng tinig. “Hindi na nakakatuwa, ha! Puwede bang tigilan mo na `to? Lumabas ka na riyan sa pinagtataguan mo!”

Katahimikan. Nakabibinging katahimikan uli. Pagkuwa’y nakarinig siya ng mga hikbi. “Huhu,” anito. Noong una’y mahina lamang hanggang sa lumakas nang lumakas. “Huhuuuuu!”Nataranta na siya.

“S-Sorry na, anak. Huwag ka nang umiyak. Nabigla lang si mama,” naiiyak na ring saad niya. Ayaw na ayaw niyang naririnig na umiiyak ang anak. Si Timothy. “Tahan na, anak. Lumabas ka na riyan. Hindi na galit ang mama.”

“Op-po,” tugon ng tinig.

Nakahinga siya nang maluwag. Hinintay niya ang paglapit ng anak sa kaniya. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Limang mahahabang patlang hanggang sa may matanaw siyang kumislap na liwanag sa isang kanto. Nilapitan niya iyon. May naaninag siyang kumikislot na kung ano. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Pupulutin niya sana iyon hanggang sa may maramdaman siyang kamay na dumantay sa kaniyang balikat. Natigilan siya saka lumingon at…

II
“Ma?”

Pabiglang nagbukas ng paningin si Maricel. Sinalubong siya ng mukha ng anak na si Timothy. Nakatayo ito sa gilid ng kaniyang kama at nakahawak sa isa niyang balikat.

“T-timothy?”


Pabalikwas na bumangon siya agad ng kama. Nakatingin lamang sa kaniya si Timothy. Bahagyang nakakunot ang noo.

“Panaginip,” naisip niya. “Isang panaginip lang pala,”

Ilang sandaling tinititigan lamang din niya si Timothy. Pagkuwan ay napahugot siya nang isang malalim na hininga. Kinabig niya ito at niyakap nang sobrang higpit.

“Mama, bakit po?” tanong ni Timothy sa kaniya.

Umiling siya. Hinaplos-haplos ang ulo at likuran nito. Ang buong akala talaga niya ay nawala na ang anak sa kaniya.

“Wala, anak.” sabi niya saka kumalas sa pagkakayakap rito. Hinawakan niya ito sa isang pisngi saka ngumiti. “Wala lang.”


III
“Oh, anak, be good, okay?” bilin niya kay Timothy pagkarating nila sa may tapat ng pinapasukan nitong pribadong paaralan. “Lagi kang makikinig sa teacher mo. Huwag kang makikipag-away. Saka, ubusin mo lahat ang baon mo, okay?”

Tumango lamang si Timothy. Inabot niya rito ang lunch box nito. Dinampian niya ito ng masuyong halik sa pisngi pagkatapos.

“I love you, anak.” sabi niya rito.

“I love you too, `ma.” He kissed her back.

Iyon lang at agad na rin itong tumakbo papasok ng school grounds. Ihinatid niya ng tanaw ang anak habang tumatakbo ito. Napangiti siya ngunit sandali lang. Agad rin iyong naglaho nang mapansin niya na parang may aninong sumusunod sa likod ng anak.

“Anong-?” mahinang naibulalas niya.

Kinusot-kusot niya ang kaniyang mata. Isa. Dalawa. Tatlong beses. Sa muling pagtitig niya sa anak ay wala na ang naturang anino. Nakahinga siya nang maluwag. Aalis na rin sana siya ngunit napigilan siya nang mapansin ang mga kaklase ni Timothy. Paglapit nito sa anak ay tinabig nito iyon saka nagtawanan. Kumuyom ang kaniyang palad. Napailing-iling siya.

IV
Pinagmasdan ni Maricel si Timothy. Tutok ito sa kinakain at hindi nagsasalita. Napabuntong-hininga siya. Sinalinan niya ng juice ang baso sa may gilid nito.

“So, anak, kamusta?” sabi niya pagkatapos. “Kuwentuhan mo naman ang mama tungkol sa school.”
“It’s okay, ma,”

Napatango-tango siya. “Ah,” sabi niya. “Eh, how about your subjects?”

“Okay lang din, ma.”

Napatango-tango uli siya. “Classmates?”

Nahinto sa pagsubo si Timothy. Hindi kaagad nito nagawang magsalita. Kinuha nito ang baso na sinalinan niya ng juice at uminom doon. Napabuntong-hininga siya.

“Okay, Tim. Nakita ko kanina how your classmates treated you. Nag-aalala ako.” sabi niya sa anak. “Palagi ba silang gano’n sa’yo?”

Binitiwan ni Timothy ang hawak na kutsara at tinidor. Nag-angat ito ng mukha. Sinalubong ang kaniyang mga tingin.

“They think I’m a weirdo,” tugon nito. “But it’s okay. Hindi ko naman sila kailangan. Mayro’n naman na akong kaibigan.”

Hindi kaagad nagawang magsalita ni Maricel. Nalulungkot na pinagmasdan niya ang anak. Hinawakan niya ito sa may balikat.

“Hey, you know, you’re not a weirdo, right?” sabi niya rito saka ngumiti. “At masaya ako na may kaibigan ka. Puwede ko bang malaman kung anong pangalan niya?”

“Wala siyang pangalan,” tugon ni Timothy na nagsimula na uli sumubo ng pagkain. “Pero, sabi niya, darating ang panahon na magiging magkapangalan kami.”

Nabura ang ngiti sa mga labi ni Maricel. Kumunot ang kaniyang noo. Hindi niya maunawaan ang mga sinabi ng anak.

“What?” aniyang idinaan na lamang sa tawa ang lahat sa pag-aakalang nagbibiro lamang ito. “Palabiro pala `yang kaibigan mo, Tim, ha. Taga-saan siya? Can I meet him?”

“Nope, he’s shy,” tila balewala pa ring sagot ni Tim. “Pero tatanungin ko uli siya mamaya kapag nag-play kami sa may bodega.”

Sa pagkakataong iyon ay si Maricel naman ang napahinto sa pagsubo. Mataman niyang pinagmasdan ang anak. Sinikap niyang alamin sa ekpresyon ng mukha nito kung nagbibiro ito gaya ng unang inaakala ngunit seryoso lamang ang mukha nito habang sumusubo ng pagkain.

“Okay, Tim. Enough with your silly little stories,” sabi niya rito na medyo kinakabahan na. “Hindi ka pupuwedeng maglaro anytime later.”

“Kahit na pagkatapos kong magawa ang mga assignment ko?”

“Kahit na,” matigas na pahayag niya.

Lumabi si Tim. Mistulang biglang nawalan ng gana. Napabuntong-hininga siya.

“I’m sorry, sweetie. You can play some other time, okay? But not tonight.” Dinala niya sa may ulo nito ang kamay at sinuklay ng mga daliri ang buhok nito kagaya nang nakasanayan na niyang gawin. “I hope you understand.”

“It’s okay,” sagot naman ni Tim. “Ipapaliwanag ko nalang sa kaibigan ko na hindi kami pupuwedeng maglaro ngayon.”

Tumayo na si Tim mula sa hapag-kainan. Naiwan si Maricel na kakaba-kabang nakasunod ng tingin rito. Anong sinasabi nito? Nag-iimbento lamang ba ito ng kuwento? Sinusubukan ba siya nitong biruin? Ipinilig-pilig niya ang ulo. Natural ng may makulay na imahinasyon si Timothy. Nakasisiguro siyang umiiral lamang uli ang imahinasyon nito. Huminga siya nang malalim. Ililigpit na sana niya ang kanilang mga pinagkainan nang mapahinto matapos mapansin ang makapal na buhok na naiwan sa kaniyang kamay. Kumabog ang kaniyang dibdib. Kay Timothy ba ang mga buhok na iyon?

V
“Hindi nga raw puwede sabi ni mama,”

“Please,”
“Sorry, hindi talaga puwede, eh.”

“Galit ako sa’yo, sige.”

“Huwag ka nang magalit sa’kin, please.”

Kumibot-kibot ang nakapikit na mga mata ni Maricel. Sinindihan niya ang lampshade sa gilid ng kaniyang kama. Ano ba ang ingay na iyon? Bitbit ang isang lamp ay lumabas ng kaniyang kuwarto si Maricel.

“Tim?” tawag niya pagtapat sa kuwarto ng anak. Kumatok siya. “Tim, may kausap ka ba riyan? Gabing-gabi na, ah?”

Subalit walang sumagot sa may kuwarto ni Tim. Nangunot ang kaniyang noo. Papasukin na sana niya ang kuwarto nito nang bigla niya uli marinig ang bulungan ng mga tinig.

“Kita mo, nagising tuloy si mama,”

“Bumalik ka na do’n,”

“Hindi ka na galit sa akin?”

“Galit pa rin,”

“Eh?”

Gumapang na ang kilabot sa mga ugat ni Maricel. Nakasisiguro siya na hindi sa kuwarto ni Tim nanggagaling ang nasabing mga boses. Natatakot man, lakas-loob niyang hinanap ang pinanggagalingan niyon. Hanggang sa mapadpad siya sa may bodega.

“Tim?” saad niya.

Nakarinig siya ng mga kaluskos sa loob niyon. Lalong binundol ng matinding kaba ang kaniyang dibdib. Napapalunok na pabigla niyang binuksan ang pinto niyon.

“Tim, nandito ka ba?”

Mayro’ng aninong mabilis na mabilis na umibis sa kaniyang harapan. “Ah!” natumba siya sa labis na gulat at nabitiwan niya ang lamp. Namatay ang ilaw niyon.

“T-tim, anak?”

Katahimikan. Nakabibinging katahimikan. Hanggang sa may narinig siyang pintong nagbukas at nagsara. Naalala niya ang anak. Dali-dali siyang nagtatakbo patungo sa may kuwarto nito.

“Tim, ano bang---?”

Natigilan siya. Si Tim, nakahiga sa kama. Tulog na tulog. 

VI
Ihinimpil ni Maricel sa tapat ng paaralan ni Timothy ang minamanehong kotse. Bago niya binuksan ang pinto ay matagal niya munang pinagmamasdan ang anak. Gusto niya itong tanungin ukol sa insidente kagabi sa may bodega ngunit sa huli ay napigilan siya.

“Here’s your lunch,” sabi niya nalang pagkababa nila. “Huwag kang magpagutom, okay?”

Tumango lamang si Tim. Kinuha nito mula sa kaniya ang lunchbox ngunit hindi niya kaagad iyon nagawang bitawan. May napansin siyang kakaiba sa mga kuko nito. Upod ang mga dulo niyon na para bang nalusaw na kandila.

“Wait, anong nangyari diyan?” tarantang kinuha niya ang mga kamay nito at tiningnan. “Bakit nagkaganiyan `yan?”

Hinatak iyon pabalik ni Timothy. Nagulat siya at napatitig sa mukha nito. Noon niya lang napansin na maliit ang mga mata nito kaysa karaniwan.

“Y-yung mga mata mo…”

“Okay lang ako, `ma!” pagalit na tugon nito. “Papasok na ako!”

Pati ang boses nito ay kaiba sa karaniwan. Mahina iyon at paos. Parang recorder na unti-unting nawawalan ng baterya.

“Tim, sandali!” ang habol niya rito. “Sandali lang, anak!”

Subalit tumakbo na si Tim papasok ng school grounds. Ni hindi ito nagpaalam nang maayos sa kaniya. Nag-aalalang ihinatid niya ito ng tanaw, at kung anong kadahilanang hindi niya maipaliwanag, tila unti-unting nanlalabo ang anino nito habang tumatakbo ito palayo.

VII
“Natatakot na ako, Jean,” napapabuntong-hiningang saad ni Maricel sa kaibigan na noon ay kausap niya sa telepono. “Kakaiba yung mga ikinikilos niya nitong mga nakaraang araw. At yung sinasabi niyang kaibigan niya sa may bodega. Hindi ko alam kung totoo ba `yon o gawa-gawa niya lang.”

May umalingawngaw na isang malakas na ingay. Parang may kung anong bumagsak mula sa kung saan. Kaagad na binundol ng kaba ang dibdib ni Maricel.

“Sandali lang, Jean,” sabi niya sa kaibigan mula sa kabilang linya. “M-may titingnan lang ako. Tatawagan kita uli.”

Ibinaba niya ang telepono sa may receiver. At kahit kakaba-kaba, tumindig siya para subukang hanapin ang pinanggalingan ng nasabing ingay. Humakbang siya, dahan-dahan, hanggang sa…

“Ma,”

Napahinto si Maricel sa paghakbang. Aligagang nagpalinga-linga siya. “T-tim?” ang halos hindi magkandatutong saad niya.

“Ma…”

Lalong lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib. “Tim, anak, nasaan ka?” Lumaki ang kaniyang mga hakbang. Sinuyod niya ang bawat kuwarto sa naturang bahay.

“Diyos ko, anak, nasaan ka ba?” humihingal nang pagtawag niya rito. “Magpakita ka na sa akin, please.”

Katahimikan. Isang nakabibinging katahimikan. Hanggang sa may isang malakas na ingay uli ang umalingawngaw sa buong bahay. Mistulang may nahulog uli na kung ano.

“Diyos ko, ano bang nangyayari?!” naluluha nang bulalas niya. “Tim, nasaan ka ba talaga, anak?”
Sunod-sunod na malalakas na ingay. Parang yumayanig ang buong bahay. Umiikot na ang paningin ni Maricel.

“Mama… mama ko,”

Sa kabila nang pagkahilong nararamdaman ay nagpatuloy siya sa paghakbang. Sinuyod niya ang iba pang silid sa bahay na hindi pa niya napupuntahan. Hanggang sa dumako siya sa may tapat ng bodega. Napahinto siya. Napalunok. Parang nangyari na `yon…

“Y-yung panaginip,” nahintakutang nausal niya. “I-ito yung nasa panaginip…”

Kusang bumukas ang pinto sa may bodega. May humampas na malamig na malamig na hangin sa kaniya pagkatapos. Nayakap niya ang kaniyang sarili. Pagkatapos niyon ay may mga ungol. “Huhu,” wika nito. Palakas nang palakas. “Huhuuuu!” Halos mabingi na siya.

“Oh my goodness, Timothy!” Napuno ng pag-aalala ang kaniyang dibdib. Sa kabila ng takot na nadarama ay dali-dali siyang nagtungo sa may loob ng bodega. Kadiliman. Sinalubong siya ng kadiliman. “Timothy, anak?”

Nagpatuloy ang nakalulunod na mga ungol. Sa gitna ng dilim ay humakbang siya. Pakapa-kapang sinundan ang pinanggagalingan ng naturang ungol.

“Diyos ko, anak!” umiiyak niyang naibulalas. “Magpakita ka na kay mama, please…”

May kumislap na liwanag sa isang kanto. Nasisilaw man ay nilapitan niya iyon. May nakita siyang kumikibot-kibot. Yumukod siya. Sinipat iyon. Tiningnan nang mabuti. Isang…

“Mama,” wika ng dila na patuloy sa pagkibot. “Mama ko,”

Hindi makahinga na napaatras siya. Nagpalundag-lundag ang dila. Pilit na sumusunod sa kaniya habang paulit-ulit ang pagtawag sa kaniya ng “mama.”

“H-hindi,” halos hindi iyon lumabas sa kaniyang bibig. “Hindi ito totoo…”

Nagpatuloy siya sa pag-atras hanggang sa wala nang espasyong mapuntahan ang kaniyang mga paa. Napasandal siya sa malamig na pader. Pigil ang hininga at nanlalaki ang mga mata na nakatitig lamang sa dila hanggang sa unti-unti iyong maupod na parang nalusaw na kandala.

“Ma…”

Huling bigkas nito hangggang sa tuluyang maglaho na parang bula. She stared at it horribly, then, she knelt. Ang dila ba talagang iyon ang anak niya? Si Tim ba talaga iyon? Pero bakit? Paano? Paano nangyari iyon? Nasaan na ang iba pang bahagi ng katawan nito?

“Mama,”

May dumantay na kamay sa kaniyang balikat. Nanigas bigla si Maricel. Napalunok. At kahit bigkis ng matinding kaba ang dibdib, dahan-dahan siyang lumingon. Isa, dalawa, tatlo, pagbibilang niya sa isip hanggang sa…

“Hi, mama!”

Isang nilalang ang bumungad sa harapan niya. Katawan ni Tim. Boses ni Tim ngunit may mali. May mali sa pagkakapares-pares ng mga bahagi ng katawan nito. Ang mata ay nasa dibdib. Ang ilong ay nasa noo. Ang bibig ay nasa baba. Halimaw! Isa iyong halimaw!

“Hi, mama!” wika uli nito. “Namiss mo ba ako?”

Napailing siya. Napaatras ngunit pilit lumapit ang nilalang sa kaniya. Pilit yumakap.

Katahimikan.

Nakabibinging katahikan ang sumunod.

At isang…

Nakakikilabot na sigaw.

“AHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!”

Bakanteng Lote (Short Story)

I
WEEEEEEOOOOOOWEEEEEEOOOOO

WEEEEEOOOOOOOWEEEEEEOOOOO

WEEEEEOOOOOOOWEEEEEEOOOOO

Pinagmasdan niya ang humaharurot na ambulansiya. Nagsitabihan ang mga sasakyan at maging ang sasakyang minamaneho ng kaniyang mommy ay agad ring itinabi nito. Binuksan niya ang bintana para mapagmasdan iyon nang mabuti. Pagdaan niyon sa kaniyang gilid ay nagliparan ang buhok niya sa bilis nang takbo niyon.

“Death,” naisaloob niya. Sigurado siyang ang sino mang sakay ng ambulansiyang iyon ay nag-aagaw buhay sa mga sandaling iyon. Kung hindi buhay ay kamatayan ang kakahinatnan nito.

PPPPPPPPPPRRRRRRRRTTTTTTTTTTTTT

“Pucha!” wika ng kaniyang mommy pagpreno nito. Sa lakas ay kamuntik na siyang mapasubsob sa may dashboard. Mabuti na lamang at nakaseatbelt siya at nakahawak nang mabuti sa kaniyang upuan.
“Mommy, anong nangyari?” tanong niya rito.

“May dumaang pusa, anak,” tugon nito na hinihingal at pawis na pawis. “Kamuntik ko na nang masagasaan. Mabuti nalang at nakapagpreno ako agad.”

Pinagmasdan niya ang pusang sinasabi nito. Nakatuntong iyon sa ibabaw ng isang sementadong poste. Kulay itim at mabalasik ang tingin sa kanila. Gayunman, hindi niya iyon pinansin pagkat natuon ang kaniyang atensyon sa bakanteng lote na siyang tila binabakuran ng naturang pusa.

“Ma, ito na ba `yon?” tanong niya sa ina na hindi maalis-alis ang tingin sa may bakanteng lote.

“Hindi, anak.” tugon ng kaniyang mommy. “Yung sa atin ay yung katapat.”

Walang babalang minaniobra na uli ng kaniyang mommy ang sinasakyan nila. Patungo sa katapat na lote na may two-storey house sa gitna. Ipinasok nito iyon sa loob ng bakuran ngunit kahit kahit nakalayo na, sa hindi maipaliwanag na dahilan, sa bakanteng lote pa rin nakatuon ang kaniyang tingin.

II
“Naku, welcome, ha.” wika ng kaniyang Tiya Soledad. “Ilang dipa lamang ang layo ng bahay namin ng Tiyo Danny mo sa inyo kaya kung may kailangan kayo ay puwedeng-puwede n’yo kaming puntahan.”

Hindi pinansin ni Sheena ang kaniyang tiyahin. Nanatili siyang nakatayo sa may tapat ng bintana at nakatanaw sa may bakanteng lote sa tapat. Di kalaunan nang hindi makatiis ay pumihit siya paharap rito.

“Tiya, sino pong may-ari ng bakanteng lote sa tapat?” tanong niya sa tiyahin. “Kakilala n’yo po ba?”
Napatda ang kaniyang Tiya Soledad. Bahagyang nawala ang kulay sa mukha at napatitig sa kaniya. Sabay labas naman ng kaniyang mommy mula sa isang kuwarto sa bahay.

“Pagpasensiyahan mo na itong si Sheena, Sol.” sabi ng kaniyang mommy. “Ngayon lang kasi kami makakapagbakasyon rito kaya hindi maiwasang hindi mag-usisa.”

Nakangiting napatango-tango naman ang kaniyang Tiya Soledad ngunit nanatiling maputla ang mukha. Siya naman ay muli nang ibinalik ang tingin sa may bakanteng lote. “Ang ganda,” naisip niya. “Ang ganda-ganda,”

III
“Sheena, naayos mo na ba yung---” hindi na nagawa pang ituloy ni Mrs. Dela Rosa ang sinasabi nang mamasdan ang loob ng kuwarto ng dalagitang anak. “Diyos ko, Sheena! Nakakadalawang araw na tayo rito ay hindi mo pa rin naayos ang mga gamit mo? Ano bang inaatupag mo na bata ka?”

Subalit mistulang walang narinig si Sheena. Ipinagpatuloy nito ang pagguhit sa kaniyang sketch pad habang pasulyap-sulyap sa may bakanteng lote na tanaw sa bintana ng kuwarto nito. Napapailaing na nilapitan na ito ng ginang.

“Akin na nga `yan!” inagaw nito mula sa kaniya ang hawak na sketch pad. Nangunot ang noo nito nang mapagmasdan iyon. Muli nitong ibinalik sa kaniya ang paningin. “Ano ito?”

Noon lamang siya pinag-angatan ng mukha ni Sheena. Ngumiti ito. Noon lamang niya napansin na nanlalalim at nangingitim ang ilalim ng mga mata nito.

“Ang ganda, ano, mommy?” wika nito na para bang wala sa sarili. “Kahit noong nagbakasyon tayo sa abroad last year ay hindi pa ako nakakita ng ganiyan kagandang tanawin.”

Muli itong namintana at sumulyap sa may bakanteng lote sa tapat. Lalong lumawak ang pagkakangiti nito habang nakatingin doon. Kinabahan ang ginang at dali-daling isinara ang mga bintana.

“Ikaw talagang bata ka! Ano bang tanawin ang pinagsasabi mo? Eh, wala naman makikita sa lote sa tapat kung hindi mga damo.” suwesto nito sa anak. “Ang mabuti pa, mag-unat unat ka na riyan. Tama na muna ang kakadrowing at magligpit ka ng kuwarto mo. Pagkatapos mo, kakain na tayo, okay?”


IV
“Sigurado ka bang ayaw mong sumama?”

“No, mommy.”

Kinuha ni Sheena ang malaki niyang teddy bear at namaluktot sa kaniyang kama. Para bang hapong-hapo ito. Napabuntong-hininga si Mrs. Del Rosa.

“O, siya, kung ayaw mo talaga ay hindi kita pipilitin.” sabi nito sa anak. “Sandali lang naman ako. Dadaan lang ako sa bangko at maggogrocery nang kaunti. Babalik ako agad, okay?”

“Yes, mommy.”

Dinampian nito ng halik si Sheena sa pisngi. Isang beses pa nitong pinasadahan ng tingin ang anak bago lumabas at ipinid ang pinto. Ilang sandali pa at umugong na ang tunog ng isang papaalis na sasakyan. Biglang bumukas ang kanina’y nakapikit na mga mata ni Sheena.

Nagtatakbo siya palabas ng kuwarto at inihatid ng tanaw ang papalayong sasakyan ng kaniyang mommy. Nang tuluyan na iyong mawala sa kaniyang paningin ay napangiti siya. Dali-dali niyang binalikan sa kuwarto ang kaniyang tsinelas at lumabas.

“Wow,” bulalas niya pagdating sa may bakanteng lote. Namamanghang tiningala niya ang nagtataasang mga puno na nakapaligid sa kaniya. “Ang ganda,”

Kipkip ang kaniyang teddy bear ay nagpalakad-lakad siya. May natanaw siyang lupon ng sari-saring makukulay na bulaklak sa di kalayuan. Nagtatakbo siya doon at nagpatalon-talon na akala mo ay batang musmos.

“Ang ganda,” ang tanging salitang paulit-ulit na namumutawi sa kaniyang mga labi. “Ang ganda-ganda,”

Hindi lang mga bulaklak at mga puno ang nakita niya doon. May natanaw rin siyang batis doon.
Isang batis na mayroong napakalinaw na tubig. Sa labis na pagkamangha ay hindi niya napigilan ang sariling magtungo sa gilid niyon. Natanaw niya ang sariling repleksyon sa malinaw na tubig.

“Ang ganda,” sabi na naman niya habang hinahaplos-haplos ang magkabilang mga pisngi. “Ang ganda-ganda,”

Subalit natigilan siya sa paghaplos-haplos sa magkabilang pisngi. May namataan siyang mabilis na aninong dumaan sa kaniyang likuran. Kakaba-kabang napapihit siya at nagpalinga-linga.

Katahimikan. Nakabibinging katahimikan. Nakahinga siya nang maluwag. Gawa-gawa lang siguro ng kaniyang imahinasyon, naisip niya. Muli na siyang pumihit paharap sa may tubig-batis at…

“Ha…”

“Ha…”

“Ha…”

May dalawang mukha siyang namataan sa magkabilang gilid niya. Humihinga nang marahas sa magkabilang tenga niya. Kapwa sunog at pisat ang mga mata ng mga ito. May bakas ng sinulid ang mga labi na para bang tinahi ang mga iyon at puwersahang inalis makalipas ang mahabang panahon. Sa repleksyon niya sa may tubig ng batis ay nakita niyang titig na titig ang mga ito sa kaniya. Biglang nanindig ang kaniyang mga balahibo at sa pakiramdam niya ay tila lumaki ang kaniyang ulo.

“Ha…”

“Ha…”

“Ha…”

Parahas nang parahas ang paghinga ng mga ito sa tapat ng kaniyang tenga. Napapikit na lamang siya nang mariin sa pag-asang sa muli niyang pagdilat ay mawawala na ang mga ito. Isa. Dalawa. Tatlo. Paulit-ulit siyang nagbilang hanggang sa makaipon na ng sapat na lakas na loob. Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang paningin ngunit lalong lumala lamang ang kaniyang nasilayan. Ang dalawang mukha ay nasa tabi pa rin niya. Nakatingin. Nakangiti sa kaniya…

V
“AAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!!”

“Sheena, gising!” tinapik-tapik ni Mrs. Dela Rosa sa may pisngi ang nagwawalang anak. “Si mommy ito, si mommy…”

Nagmulat ng paningin si Sheena. “M-mommy?”


“Oo, anak,” tugon niya. “Oo, si mommy nga ito.”

“Mommy!”

Kinabig ni Sheena ang ina. Nanginginig na niyakap nang mahigpit. Sa sobrang higpit ay halos kapusin na ng hininga ang ginang.

“It’s okay, darling,” sabi niya habang halinhinang hinimas-himas ang buhok at likuran nito. “It’s gonna be okay.”

Nang lumabas si Mrs. Dela Rosa sa silid ni Sheena ay nakatulog na uli ito. Naabutan niya sa may sala ang kapatid na si Soledad. Nanghihinang naupo siya sa tabi nito.

“Kamusta si Sheena, ate?” tanong nito sa kaniya.

Nagbuntong-hininga siya. “Hindi pa rin maganda, Sol. Ilang araw na siyang nilalagnat nang mataas at sumisigaw sa kaniyang pagtulog. Sa tuwing dadalhin ko naman sa doctor ay palaging negatibo ang lumalabas na resulta sa mga test sa kaniya kaya hindi siya maresitahan ng anumang gamot at sa huli’y pinapauwi lamang kami.”

Hindi kaagad nagawang magsalita ni Soledad bagaman kakikitaan ng pangamba ang mukha nito. Parang may kung anong malalim na iniisip. Pagkuwan ay napapalunok na sinulyapan nito ang kapatid.

“Noong nakaraan ay nagtatanong si Sheena tungkol sa may bakanteng lote sa tapat…” napahinto ito at muling napalunok. “N-nagpunta ba siya doon?”

“Hindi ako sigurado. Pero noong araw na iniwan ko siya saglit dito sa bahay para maggrocery ay naabutan ko siya sa may harapan ng bahay. Tulala at humahangos.” Pagkukuwento niya. “Magsimula nang araw na iyon ay nagkaganiyan na siya.”

Tumayo ang ginang. Pumasok sa isang kuwarto. Paglabas nito ay hawak na nito ang sketch pad ni Sheena. Iniabot nito iyon kay Soledad.

“Naabutan kong dinodrowing niya `yan noong pangalawang araw namin dito.” saad niya. “Hindi ko alam kung saan niya kinopya ang mga yan pero sinasabi niyang nakita niyang lahat nang `yan sa may bakanteng lote sa tapat.”

Pinagmasdan ni Soledad ang mga drowing sa naturang sketch pad. Gumapang ang kilabot sa kaniyang sistema. Ang mga drowing ay nagpapakita ng sari-saring magagandang tanawin. Matataas na puno. Magagandang bulaklak. Kumikislap na batis.

“K-kailangan n’yo nang umalis dito, ate…” nanghihinang wika nito matapos ibalik sa kaniya ang sketch pad. “Umalis na kayo!”

“T-teka, anong?” naguguluhang tanong ng ginang sa kapatid. “Anong ibig mong sabihin, Sol?”
“Marami-rami nang kuwento-kuwento ukol sa mga kaluluwang ligaw na nakakulong sa may lote. Nang-aakit sila ng mga dayo nang sa gayon ay makamkam nila ang katawang-lupa nito at ang kaluluwa ng mga ito ang makulong sa may lote. Kukunin nila si Sheena!” halos hindi magkandatutong salaysay nito. “Umalis na kayo habang may oras pa!”

VI
“Yung mga kahon nasa van na, ate,” ani Sol. “Gisingin mo na si Sheena at nang makaluwas na kayo agad.”

“Oo, Sol,”

BLAAAAAAAAAAAAGGGGGG

Natigilan sa paghakbang papasok sa bahay si Mrs. Dela Rosa matapos umalingawngaw ang nakabibinging tunog na iyon. Mistulang may kung anong salaming nabasag. Makalipas ang ilang sandali ay kinutuban nang hindi maganda ang ginang.

“Si Sheena!”

Humahangos na nagtatakbo sila patungo sa kuwarto ng dalagita. Kapwa sila napatda pagdating doon. Wala na si Sheena sa kama at basag na ang salaming bintana ng kuwarto nito.

“Diyos ko, Sheena!” hagulgol ng ginang. Hindi nito malaman ang gagawin. Hinarap nito ang tulalang kapatid. “Sol, nasaan na ang anak ko?”

Walang salitang narinig kay Soledad. Sa halip ay dahan-dahan nitong itinaas ang kamay. Itinuro ang bakanteng lote sa may tapat kung saan makikitang nakatayo si Sheena.

“Sheena, anak?”

Nagtatakbo sila ni Soledad patungo sa may bakanteng lote. Naroon lamang si Sheena. Nakatayo at parang wala sa sarili.

“Sheena, anak ko!” sigaw ng ginang. “Anak, nandito ako! Lumabas ka na diyan, please. Kailangan na nating umalis!”

Subalit mistulang walang narinig si Sheena. Kipkip ang teddy bear nito ay naupo ito sa may gitna. Parang may kung anong binabantayan.

“Sheena, ano ba---?” Sinubukang humakbang palapit ng kaniyang mommy ngunit kaagad din itong natigilan. May kumislap na isang nakasisilaw na liwanag. “Ahhhhh!!!”

“Ha…”

“Ha…”

“Ha…”

Mga mararahas na paghinga ang sumunod. Umalingawngaw iyon sa buong paligid. Masakit sa tenga. Halos mabingaw ang magkapatid.

“Sheena…” saad ni Mrs. Dela Rosa.

Nang lumipas ang liwanag at mawala ang mararahas na paghinga ay nabigla sila sa nakita. May dalawang malalalim nang hukay sa magkabilang gilid ni Sheena. Sa gitna niyon ay nakasungaw ang dalawang mukha na kapwa sunog at pisat ang mga mata.

“Diyos ko,” natutop ng ginang ang bibig. “Diyos ko, anak, pakiusap lumayo ka diyan!”
Subalit tulad kanina ay mistulang walang narinig si Sheena. Dahan-dahan itong humakbang patungo sa hukay sa kanan. Napangiti ang mukhang nakasungaw doon.

“Hindiiiiiiiiii,” paulit-ulit na sigaw ng kaniyang mommy. “Hindi, anak, huwag please…”
Sinubukan nitong ihakbang ang mga paa ngunit tila may kung anong kadenang nakabigkis sa mga iyon. Sigaw siya nang sigaw pero nanatiling bingi si Sheena sa kaniyang mga sigaw. Humakbang ito. Dahan-dahan. Subalit bago pa man makarating sa may dulo ay may humila na sa mga paa nito at tuluyang nahulog sa hukay.

“Sheenaaaaaaa!” halos mabaliw si Mrs. Dela Rosa. “Anak ko! Hindi! Waaaaahhhhh!”

Subalit huli na ang lahat. Kung paanong sumambulat ang nakasisilaw na liwanag ay gano’n uli ang nangyari. Nagsara ang hukay na pinaghulugan ni Sheena at tanging ang teddy bear nito ang naiwang nakalagak sa may lupa.

“Diyos ko,” nanghihinang saad ng ginang. Sinulyapan nito ang kapatid. “Ano nang gagawin natin ngayon, Sol---”

Natigilan siya. Napaatras. Hindi si Soledad ang kaniyang namataan sa tabi kung hindi ang isa sa mga nilalang sa may hukay kanina. Sunog ang balat at pisat ang mga mata. Ngumiti ito sa kaniya.

“H-Hindi,”

Napapalunok na sumulyap siya muli sa may bakanteng lote at nakita niya mula doon si Soledad---unti-unting nilalamon ng isa pang hukay.

“Sol!” sigaw niya. “Soooooooolllllll!!!!!!!”

Katahimikan.

Nakabibinginging katahimikan ang sumunod,

At mararahas na paghinga.

Staircase (Short Story)

I
Hinithit niya ang hawak na sigarilyo saka marahas na ibinuga ang usok niyon. Sinulyapan niya ang makapal na libro sa tabi pagkatapos. “Shit,” mahinang mura niya.

Sunod niyang sinulyapan ang kaniyang selpon. Pasado alas-otso na ng gabi. Bahala na nga, naisip niya saka tumayo na mula sa kinauupuan.

Hindi niya ba alam sa sarili kung bakit ni hindi man lamang niya binuklat ang librong iyon buong araw gayong alam naman niyang bibigyan sila ng pagsusulit ng kanilang guro nang gabing iyon. Mas inuna niya pang humilata at manood ng porn. Siguro, namimiss lang talaga niya ang dating siyota na si Angelique. Ang galing pa naman sa kama no’n. Kahit araw-arawin ay hindi tumatanggi. Kaso, pucha, nalaman niyang hindi lamang pala sa kaniya nagpapakitang gilas.

Narinig niyang tumunog ang elevator pagpasok niya sa may hallway. Ibinato niya sa basurahan ang hawak na sigarilyo at nagtatakbo. Pucha, hindi bale nang wala siyang makuha sa may exam, huwag lang ma-late. Ayaw na ayaw pa naman ng pabibo niyang propesor ang nahuhuli sa klase. Sigurado, kahit minsan niya lang ginawa, buong semestreng mainit ang mata sa kaniya no’n.

Pagtapat niya sa elevator ay eksakto naman ang pagsara. “Badtrip naman, o,” napapapalatak na saad niya. Sinulyapan niya uli ang oras sa kaniyang selpon. Limang minuto nalang at magsisimula na ang kanilang pagsusulit. Nag-isip siya, baka matagalan pa kung hihintayin niya ang elevator. Aligagang nagpalinga-linga siya. Maghahagdan nalang siya.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, biglang ipinagbawal ang paggamit ng hagdan sa kanilang unibersidad sampung taon na ang nakalilipas. Wala pa siya noon doon kaya hindi niya matukoy ang totoong dahilan kung bakit. Ngunit ayon sa kaniyang naririnig, madalas daw ay maraming “naaaksidente” kapag ginagamit ang hagdan na iyon.

Hayop na `yan, sa loob-loob niya. Ang grades ko naman ang siyang maaaksidente kapag hindi ako dumiskarte. Kaya naman nang sigurado siyang walang nakatingin ay dali-dali siyang kumaripas ng takbo paakyat ng hagdan. Mahaba-haba rin ang kailangan niyang lakbayin dahil sa fourth floor pa ang room ng propesor niyang ulol. Binilisan niya nalang ang mga hakbang. Wala naman problema dahil runner naman siya. Malakas ang kaniyang baga.

Takbo. Takbo. Takbo. Limang minuto lamang ang mayro’n sa kaniya. Wala siyang dapat sayangin na oras. Subalit nang nasa pangatlong palapag na siya ay bigla siyang natigilan. May namataan siyang babaeng nakaupo sa may punong baitang ng hagdan. Nakauniporme ito bagaman hindi pamilyar sa kaniya kung saang kolehiyo. Nakayukyok ang ulo nito sa magkadikit na mga tuhod kaya hindi niya makita ang mukha. Lalampasan na lamang sana niya ito subalit natigilan siya pagtapat dito. Bigla kasing yumugyog ang mga balikat nito na mistulang umiiyak.

“Um,” tumikhim siya. “Miss?”

Walang sagot.

“Miss, okay ka lang?” pukaw uli niya rito.

Sa pagkakataong iyon ay nag-angat na ito ng mukha. Napanganga siya nang masilayan ito. Hubog-anghel ang mukha nito, makipot ang labi, mapupungay ang mata, mahahaba ang pilik-mata, matangos ang ilong. Kutis-porselana at higit sa lahat ay hugis-coca cola ang katawan. Shit, sa isang iglap ay bigla siyang nakaramdam ng libog.

“Sorry,” saad nito. Pati ang boses nito ay mala-anghel din. “Okay lang ako, sige na, dumaan ka na.”
Pasimpleng pinunasan nito ang mga luhang namuo sa gilid ng mata nito. Ilang sandaling nakatitig lamang siya sa magandang mukha nito bago pagkuwan ay mapakurap-kurap. Hindi niya alam kung epekto ng libog o ano, bigla niyang dinukot ang panyo sa bulsa ng kaniyang bag at iniabot rito.

“Here,” nakangiting sabi niya rito. “Huwag ka nang umiyak, okay? Ang ganda-ganda mo pa naman. Hindi bagay sa’yo ang umiiyak.”

Umangat ang sulok ng mga labi ng naturang babae. Inabot nito ang panyo mula sa kaniya. Hindi niya alam kung sinasadya nito ngunit tinagalan nito ang pagkakalapat ng kanilang mga palad. Lalo tuloy tumindi ang libog na kaniyang nararamdaman.

“Adrienne,” saad nito. “My name’s Adrienne,”

Nangininig ang mga tuhod niya. Hindi niya gustong ipakita rito ang pagkabuhay ng libog sa katawan niya. Siya na ang nagkusang kumalas sa pagkakahawak nito.

“L-lee,” napapalunok na tugon niya. “Ako naman si Lee,”

Lalong lumawak ang ngiti ni Adrienne. Tumango-tango. Kung hindi lang siya nagpipigil ay baka nasunggaban na niya ito.

“Nice to meet you, Lee,” kagat-labing sabi nito na tila yata nang-aakit. “Sana dalasan mo ang pagdaan dito.”

Bago pa siya makasagot ay tinalikuran na siya ni Adrienne. Umaalog ang matambok nitong puwet habang naglalakad palayo sa kaniya kaya hindi niya ito napigilang sundan ng tanaw. Shit, shit, shit talaga, paulit-ulit niyang litanya sa isip. Nang sandaling iyon, alam niyang late na siya sa kaniyang pagsusulit at maaring buong semestre nang pag-initan ng kanilang propesor pero wala na siyang pakialam. Tonight, he met the hottest girl on earth.

II
Ninety-five over one-hundred,

Halos mabulunan si Lee habang nakatingin sa score sa taas ng kaniyang test paper. He was the one who managed to get the highest score. Giliw na giliw sa kaniya ang kanilang propesor.

Tama, giliw na giliw ito sa kaniya. For some reason, noong gabi ng kaniyang exam, hindi katulad ng inaasahan ay hindi siya nahuli. Sa totoo pa nga isa siya sa pinakamaaga.

Naisip niyang, marahil, sadyang mali lamang ang oras sa kaniyang selpon kaya inakala niya noon na mahuhuli na siya. Pero itong exam? Ito ang siyang hindi niya maipaliwanag.

Hindi siya unabis nagbuklat ng libro noon. Halos kabuuan ng exam ay puro wild guess lang lahat. Kaya paano nangyaring siya pa ang nakakuha ng highest score ngayon?

Ah, suwerte, napapangiting naisaloob niya. Lalo pang lumawak ang ngiting iyon nang paglabas niya ay inulan siya ng pagbati ng kaniyang mga kaklase. Instant peymus ang lolo n’yo.

Grabe, ang ganda ng mood niya. Pasipol-sipol pa siya nang magtungo sa elevator. Natigil lamang ang pagsipol-sipol niyang iyon nang makarinig niya ng mga paswit. Sunod-sunod at tila ba nagmamadali. Nagpalinga-linga siya at halos mapigil niya ang hininga nang pagtapat ng kaniyang paningin sa may direksyon ng hagdan ay masulyapan niya si Adrienne.

Nakakagat-labing ngumiti ito sa kaniya. Kinumbatan siya nito saka nagmamadaling umakyat na uli ng hagdan. Bigla na naman ang paglaganap ng libog sa kaniyang katawan. Nagpalinga-linga siya at nang masiguradong walang nakatingin ay dali-dali niya itong sinundan doon.

III
“Alam mo bang ikaw lamang ang laman ng isip ko buong linggo?” sabi sa kaniya ni Adrienne sa mapang-akit na tinig. Nilaro-laro nito ang kuwelyo ng kaniyang uniporme. “Ako rin ba ang laman ng isip mo?”

“O-oo,” para siyang hayop na wala sa katinuan. Bawat titig, bawat ngiti, at bawat haplos nito ay binubuhay ang kaniyang pagkalalaki. “O-oo, ikaw lamang ang laman ng isip ko…”
Ngumiti si Adrienne. Matalas. Lumayo ito nang kaunti sa kaniya at hinubad ang suot na pang-itaas. Lumantad sa paningin ni Lee ang malulusog nitong dibdib.

“Gusto mo `to?” nakakagat-labing saad ni Adrienne. “Gusto mo ba ang mga ito, ha, Lee?”
“O-oo,” kulang nalang ay maglaway si Lee. Gusto niya itong sunggaban. Gustong lapirutin ang malulusog nitong dibdib. “Oo, gustong-gusto ko.”

Ngumiti uli si Adrienne. Higit iyong mas matalas. Sunod nitong hinubad ang suot na maiksing palda. Lumantad ang makikinis nitong binti at ang mapintog nitong pagkababae. Halos mahibang na si Lee sa labis na pagnanasa.


“Halika, Lee,” mapang-akit pa ring saad nito. “Hawakan mo, hawakan mo ako, dali…”
Lumapit nga si Lee. Hinawakan. Pinisil. Inamoy si Adrienne. Ahhhhhhhhh, halos masiraan siya ng bait. Wala na siyang ibang kahit na anong maisip. Kahit ang pangalan niya ay halos makalimutan niya.

“Gusto mo ba ako, Lee?”

“Oo,” saad niya. “Oo…”

“Susundan mo ba ako kahit saan, Lee?”

“Susundan kita kahit saan,”

“Kahit sa impiyerno, Lee?”

“Kahit sa impiyerno pa.”

Muling nanumbalik ang matatalas na ngiti ni Adrienne. Kinuha nito ang mga kamay ni Lee na lumalapirot sa kaniyang mga dibdib. Dinampian niya ng halik ang mga iyon.

“Bukas, Lee,” sabi niya sa hibang na binata. “Bukas makukuha mo ako,”

IV
“Lee, pare, okay ka lang?”

Subalit mistulang hindi iyon rumehistro sa pandinig ni Lee. Panay panay ang hitit nito sa sigarilyo. Panay rin ang padyak nito na mistulang hindi mapakali.

“May session mamaya ang barkada,” patuloy na saad ni Fred kahit nawiwirduhan na sa ikinikilos ng kaibigan. “Sama ka?”

Hindi uli sumagot si Lee. Patingin-tingin ito sa taas. Sa may third floor. Pagkuwa’y napangiti ito. Kumaway. Nangunot ang noo ni Fred. Sinundan niya ng tingin ang tinutumbok ng paningin nito ngunit wala naman siyang nakita.

“Ah, bahala ka na nga diyan,” pagkuwan ay nayayamot nang sabi nito. “Magtext o tumawag ka nalang kung sasama ka, ha.”

Wala pa ring sagot si Lee. Umalis na si Fred. Siya naman ay tila gutom na leon na nagmamadali nang pumanhik patungo sa may hagdan. Sa third floor. Kay Adrienne.

Pagkakita palang rito ay agad na niya itong sinunggaban. Pinunit ang blouse nito at hiniklat ang palda nito. Ihiniga niya ito sa sahig at kaagad na pinaibabawan. Pinaghahalikan sa leeg habang nilalapirot ang malulusog nitong dibdib. Di kalaunan nang hindi na makatiis ay pumasok na siya sa loob nito. Nakapikit at nakakagat-labing binayo niya ito nang binayo.

“Ahhh,”

“Ahhh,”

“Ahhh,”

Hindi na niya alam kung sa kaniya ba o kay Adrienne nangggaling ang mga ungol. Wala na rin siyang pakialam kahit na marahas ang pagbayo niya rito. Ang mahalaga sa kaniya ay madiligan ang kaniyang pagkatigang.

“Ahhh,”

“Ahhh,”

“Ahhh,”

Natigilan siya sa pagbayo. Sigurado siya sa pagkakataong iyon na hindi sa kaniya galing ang mga ungol. Malalalim iyon, mararahas, at nakapangingilabot. Doon na siya napamulat ng paningin. Shit, tanging nawika niya nalang sa isip nang mamasdan ang kaniig. Isang duguang babaeng wasak ang mukha. Napabalikwas siya palayo rito.

“O, bakit ka tumigil?” saad ng babae gamit ang kalahati na lamang nitong bibig. “Masarap, hindi, ba?”

Hindi makapagsalita si Lee. Nanginginig siya. Nangingilabot.

“Tinatanong kita!!!” sigaw ng babae na biglang lumaki at lumalim ang tinig. “Masarap, hindi ba?!!!!”
Hindi pa rin makapagsalita si Lee. Humakbang ang babae palapit sa kaniya. Nanginginig pa rin na napaatras siya.

“Mga hayop kayo! Pare-pareho lang kayo! Katawan ko lang ang gusto ninyo!” galit na galit na wika nito. “Ngayon, lintik lang ang walang ganti!”

Tumawa ang babae. Isang marahas na pagtawa na tila galing sa ilalim ng lupa. Halos masiraan ng bait si Lee. Nagpatuloy ito sa paghakbang palapit sa kaniya at nagpatuloy rin sa pag-atras si Lee.

Hanggang sa matigilan siya matapos sumayad ang kaniyang likuran sa may railings.

“H-huwag,” pakiusap niya sa nangininig na tinig. “H-huwag, maawa ka sa akin, please…”

Huminto sa paghakbang ang babae. Sa gulat ni Lee ay biglang nagbago ang anyo nito. Biglang bumalik ang magandang anyo ni Adrienne.

“Bakit, Lee?” sabi nito sa malamyos at mapang-akit nitong tinig. “Ang akala ko ba ay susundan mo ako kahit sa impiyerno pa?”

Natigilan si Lee. Napakurap-kurap. Si Adrienne pa rin ang nasa kaniyang harapan.

“Tama, Lee, ako nga ito, si Adrienne,” nakangiting wika nito. “Gusto mo ako, hindi ba?”

Tumango si Lee na mistulang napasailalim na naman ng isang mahika. “O-oo,”

“Susundan mo ako?”

“O-oo,”

“Kahit saan?”

“O-oo,”

“Kahit sa impiyerno?”

“O-oo,”

Lalong lumawak ang pagkakangiti ni Adrienne. “Kung gano’n, abutin mo ang kamay ko,” sabi nito sa kaniya.

Wala sa sariling inabot niya iyon. Nagpakayag siya rito. Hindi niya alam kung saan. Basta’t naramdaman niya nalang na parang lumulutang na siya.

“Gotcha,” sabi ni Adrienne sa kaniya.

Hindi niya alam kung anong nangyari. Bigla uling nagbago ang anyo nito. Sumigaw siya nang sumigaw ngunit walang boses ang lumalabas sa kaniyang lalamunan. Nagkakawag siya pero wala siyang makapa na kahit ano. Lumulutang siya. Lumulutang at unti-unting….

Blaaaaaaagggggg

Isang malakas na ingay ang naulinigan. Ang sunod ay mga sigawan. Mga bulungan. At tunog ng isang ambulansiya.

V
“Sir, ano pong nangyari?” tanong ng imbestigador sa presidente ng unibersidad. “Paano po nahulog ang isa na namang estudiyante ninyo?”

“Well, apparently, mukhang nagmamadaling magpunta ng klase niya. Hindi na niya nahintay ang elevator kaya ginamit ang hagdan na siyang ipinagbabawal namin. Madami talagang naaaksidente doon gawa ng marurupok na ang mga materyales.”

“Sir, iyon lang po ba talaga ang dahilan?” tanong uli ng imbestigador. “Wala po kayong nakikitang foul play?”

Huminga nang malalim ang presidente. Tumingin sa taas ng third floor. Naroon, nakatayo ang duguang si Adrienne.

“Wala,” saad niya pagkatapos nang mahabang patlang, kahit pa alam niya sa sariling masusundan pa iyon. Masusundan iyon nang masusundan dahil patuloy na maghihiganti si Adrienne. Patuloy itong maniningil ng ibang buhay bilang bayad sa krimen na ginawa niya rito ten years ago.

Ikaw at ang Ulan (Poem)

Gusto-gusto ko ang ulan
Gusto kong pinagmamasdan ang ulan
Gusto kong pinapakinggan ang ulan
Mahal ko ang ulan
Pero higit sa lahat
Ikaw
Gustong-gusto kita
Gusto kong pinagmamasdan ang mukha mo
Gusto kong pinapakinggan ang boses mo
Sa madaling salita
Mahal kita

Malayo at Malabo (Poem)

Malayo
Parang yung tingin mo kapag dumadaan ka sa harap ko
Parang yung distansiya ng kolehiyo ko sa kolehiyo mo
Parang yung mga damdamin nating hindi magkatagpo-tagpo

Malabo
Parang yung schedule mo na hindi ko makabisado
Parang yung mga mata ko sa tuwing umiiyak ako dahil sa'yo
Parang yung pag-asa na magkaroon ng "tayo"

Pero ayos lang
Ayos lang
Mamahalin pa rin kita
Kahit sa pagitan lang ng malayo at malabo

A Speck of Dust (Poem)


I am but a speck of dust
Invisible to the naked eye
The wind carries me
To the depths of the world
And once,
To the hands of a goddess
Who asked me
Whether I considered myself unlucky
I smiled and told her,
Anyone who gets to travel the world for free
Is never unlucky
She smiled,
And gave me the life I prayed to thee
I am no longer a speck of dust
But a mold of a person,
I always wanted to be
Now that everyone gets to see me
I thought I’d be happy
But I never did,
For once I fell in love
I discovered,
This life is never free
I never get to see
The same beauty twice
For my eyes were blinded away
I never get to embrace
The person I longed to please
For my arms were taken away
I never get to say
I love you as always
For my voice keeps drifting away
I never get to love
As free as a dove
For my heart was melted away
I never get to roam
Back to when I was before
For this feet can never support
A person who can never be loved
And doomed to be a dust
In the eyes of her beloved
Always
And probably forever

-   Fatima O’Hara


But, you. (Poem)

I never wanted to stare that long in the stars
The way I wanted to stare at you
At your eyes filled with mysteries
Much more than the mysteries that fill the world
I never wanted to listen in the rain
Pitter-pattering from the rooftop
The way I wanted to listen to your voice
Caressing every veins on my ears
Oh, believe me I never sigh at the sight of sunset
Drifting away from the west
The way I wanted to sigh
At the sight of your lips lifting up
But you are no star
You are no rain
You are no sunset
You are just you
You don't twinkle
You don't pitter-patter
You don't shine
But you are as beautiful as the three, combined.
You're enough to make me
Smile
Sigh
And yes,cry.
You just have the ability to make me feel all the emotions in the world
You're just too hard to handle
But you know what?
Even if you're too heavy to carry in my heart,
You will never, ever outweigh, the love dwelling from inside it.

I Can't (Poem)


I can't be forever afraid
To go
To the places
Where your memories seem to be embedded

I can't forever see you
To these places
No, your memories can't forever conceal
Their beuty
Through my eyes

I can't forever feel the same
Towards you
Or to these places
Because you're just a mere illusion now
Hidden into this gripping reality

I can't be forever anxious
Or excited
Even nauseated
With the possibility of seeing you again
To these places
No, it shouldn't be that way

I can't hope forever
Wait forever
Long forever
That when we meet again
You'll call my name
Smile,
And tell me you care

I can't, most of all
Like you the same
Love you the same
Simply because I can't
And I don't want to
Anymore

What I want
And I can
Is to create new memories
Into these places
Without you
Ever
Forever

Sobrang Short Stories (SSS)

07/21/15
Nag-unahang pumatak ang kanyang mga luha habang pinagmamasdan si Rachel. Ang bawat sampal at suntok ng amain sa mura nitong katawan ay tila lumalatay din sa kanyang puso, sa kanyang pagkatao, sa kanyang kaluluwa. Kumuyom nang mahigpit ang kayang mga palad. Ang sakit na makita niya ito sa gano'ng kalagayan pero wala nang mas sasakit pa sa katotohanang wala siyang magawa para maipagtanggol ito mula sa walang pusong amain.
"Ate, 'wag kang OA," narinig niyang sabi ni Tintin sa kanya. "Teleserye lang 'yan."
------------------------

PICTURE FRAME (07/25/15)

ni Fatima O'Hara
Putsa, Mike! Wala lang ba ako rito? Para akong hangin, ah! Dinadaan-daanan mo lang ako!" ang naghihinanakit na sabi ni Merley sa asawa. "Please, kung may problema, kausapin mo naman ako. Huwag ka naman basta manahimik lang diyan. Pakiramdam ko tuloy, inutil ako, eh!"
Tuluyan na siyang napaluha. Tumakbo siya palabas ng kwarto. Naiwan si Mike sa harap ng study table. Nakalagay ang dalawang kamay nito sa ulo at tahimik na lumuluha. Pagkuwan ay nag-angat ito ng ulo. Binuksan ang drawer at kinuha ang isang picture frame.
"Putsa, Merley! Wala lang ba ako sa'yo? Para kang hangin, dumaan ka lang sa buhay ko, at iniwan mo rin agad ako." niyapos nito ang hawak na picture frame. "Kung may problema, sana nagsabi ka. Hindi ka sana nanahimik nalang. Pakiramdam ko tuloy, inutil ako dahil wala akong nagawa, para isalba ang buhay mo."
------------------------------------
YELO (07/25/15)
ni Fatima O'Hara
Nagmistulang laruan sa kanyang paningin ang mga bahay, gusali, tulay, at sasakyan nang tumingin siya sa baba. Napangiti siya nang malawak. Sa wakas, nakakalipad na siya. Salamat sa siyam-na-put-siyam na pulang lobong hawak ng dalawa niyang kamay. Ibinalik na ulit niya ang paningin sa taas. Lalong lumawak ang ngiti niya. Kaunti nalang. Kaunting-kaunti nalang, mapapasok na niya ang kalangitan. Pumikit siya at hinintay dumampi sa kanyang balat mga ulap hanggang sa...
"Putsa! Tanggalin mo nga `yang earphones mo!" singhal ng kanyang kuya sabay hablot sa nakapasak na earphones sa kanyang tenga. "Kanina pa may bumibili ng yelo. Bentahan mo! Natatae ako!"
Nagtatakbo na ito patungo sa banyo. Natutuliro namang napatitig siya sa hawak na Ipod. "Ninety-nine Red Balloons" ni Nena ang kasalukuyang nakasalang. Napakibit-balikat siya makalipas ang ilang sandali. Pinuntahan na niya ang bumibili ng yelo.
-------------------------------
TOWEL (07/25/15)
ni Fatima O'Hara
Nahulog sa sahig ng banyo ang towel na nakasabit sa balikat ni Judith. Yuyukod sana siya para kunin iyon pero hindi pa man ay may kamay nang nag-abot sa kanya niyon. Palibhasa'y abala sa pagkatikot sa tingang sumabit sa suot na brace kaya hindi niya iyon napagtuunan agad ng pansin.
"Thank you," sabi pa niya. Humakbang na siya palabas ng banyo pero ilang sandali lang ay agad ring natigilan. Pinagmasdan niya ang hawak na towel. "Wait, sinong nag-abot sa akin nito, eh, mag-isa lang naman ako rito?"
Gumapang ang kilabot sa kanyang ugat. Nanginginig at dahan-dahan siyang lumingon. Wala siyang nakitang multo. Pero mayro'ng kamay mula sa loob ng toilet bowl, kumakaway sa kanya
----------------------------------
JANE (08/02/15)
ni Fatima O’Hara
Araw ng Sabado. Pasado alas-dos ng tanghali. Naupo sa dating pwesto si John. Nanahimik. Matiyagang nag-abang. Ilang sandali pa at dumating na ang kanyang hinihintay. Si Jane. Ang dilag na si Jane. Palagi niya itong inaabangan doon. Palaging hinihintay. Parang hindi nakokompleto ang kanyang araw `pag di niya ito nakikita. Ang mahaba at itim na itim nitong buhok na nangingislap sa liwanag ng araw. Ang mapupungay nitong mata na tila ba nangungusap kapag iyong tinitigan. Ang balingkinitan nitong katawan na parang kayang sakupin ng isang palad niya. Ang ganda nito. Ang ganda-ganda nito. Para itong diyosa. Parang isang diyosa na muling nagbigay buhay sa isang bahagi ng kanyang puso na inakala niyang matagal nang namatay. Alam niyang sa unang sulyap pa lamang dito ay tinamaan na siya ng lintik. Lintik na mas matindi pa sa pana ni Kupido. Gusto niya itong lapitan. Gustong kausapin. Gusto niyang hawakan. Pero heto siya, nakaupo sa bangketa. Nakokontento sa mga nakaw na sulyap kay Jane. Si Jane na babaeng pinapangarap niya. Si Jane na nakatali na. Si Jane na pamilyado na. Si Jane na hanggang sa panaginip na lamang niya maaaring makasama.
--------------------
08/07/15
Naramdaman kong hindi nalang ako nag-iisa sa kama. Naramdaman kong lumundo ang kabilang bahagi niyon. Naramdaman ko rin ang kanyang hininga sa aking batok. Pero hindi ako kinilabutan, dahil sa aming dalawa, ako ang multo rito.
-----------------
08/07/15
Pinalakpakan ako ng musmos. Ang galing ko raw. Superhero raw ba ako. Sana raw sa susunod, ituro ko raw sa kanya ang sikreto, kung pa'no nahahati ang katawan ko.
------------------
08/07/15
Nagtapat siya sa akin ng pag-ibig. Di ako naniwala. Ang sabi niya, kahit tingnan ko pa raw ang nilalaman ng puso niya, makikita ko raw na pangalan ko ang nakaukit doon. Kaya naman dali-dali akong kumuha ng kutsilyo. Winakwak ko ang dibdib niya para makita kung totoo ngang nakaukit ang pangalan ko sa puso niya.
-------------------
08/12/15
"P're napakainit naman dito!" lawit ang dilang sabi nito. "Ano bang klaseng lugar ito?"

"Masanay ka na. p're." sabi niya. "Ganito talaga sa IMPIYERNO."

-------------------
08/16/15
Pasko. Napakajoyous ng paligid. Pero mas lalong naging masaya iyon nang makita ko siya sa studio kasama ang mga katrabaho namin. Nakangiti akong lumapit at isa-isa silang binati.

"Merry Christmas, Ate B! Merry Christmas, Sir T! Merry Christmas, Tiyang! Merry Christmas, Señor! Merry Christmas Sir G!" Napahinto ako pagdating sa kanya. Kumabog ang dibdib ko. Pinawisan nang malamig. Napahinga nang malalim. "Merry... me, Atom." ang sa halip ay nasabi ko.

----------------------------
08/17/15
"Pasensya na, p're. Nilooban kami kagabi. Natangay yung perang pambili ng lupa ninyo." balisa na pahayag nito. "Pasensya na talaga."

Tinapik nito sa braso si papa at laglag ang balikat na umalis na. Tiningala ko si papa. Parang hindi naman siya apektado sa nangyari.


"Pa, hindi ka ba nalulungkot na hindi nabili ang lupa natin?" tanong ko nang naglalakad na kami.


"Okay lang 'yon, anak." nakangising tugon nito. "Napasakamay ko pa rin naman yung pera, eh."

-----------------------
08/19/15
"M-minolestiya po ako..." anang katorse anyos na dalagita na hanggang sa mga sandaling iyon ay umiiyak at nanginginig pa rin sa takot. "M-minolestiya po ako!"

"Nasaan siya?!" kuyom ang mga palad at halos mabaliw nang bulalas ng ina nito. "Saan natin matatagpuan ang hayop na gumawa nito, anak?!"


"D-doon po," turo ng dalagita sa partikular na lugar sa may plaza. "D-doon po sa may simbahan."

--------------------------
8/20/15
"Kung bibigyan ka ng chance na sungkitin ang isa sa mga star sa langit, alin sa mga 'yan ang pipiliin mo?"

Pinagmasdan niya si Patrick. Kakaibang kislap ang namuo sa kanyang mga mata. Napangiti siya rito.


"Lalayo pa ba ko?" sabi niya rito. "S'yempre, ang gusto ko, yung star sa tabi ko."


Natitigilang napatitig sa kanya si Patrick.


"Oo, Pat," pagkukumpirma niya. "I want you to be my star!" she smiled at him, again. "My Patrick Star!"

--------------------
08/28/15
Bumukas ang pinto at pumasok ang susuray-suray na si Jack. Sinalubong ito ng asawa. Inalalayan at ihiniga sa sofa.

"Salamat, Lina," sabi nito saka masuyong hinaplos ang pisngi niya. "Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka. Mahal na mahal kita."


Ngumiti lang siya rito. Nagtungo siya ng kusina para igawa ito ng kape. Habang nagtitimpla ay bigla na lamang tumulo ang kanyang mga luha. Putangina! Ilang taon na silang kasal pero pangalan pa rin ng kakambal niya ang bukambibig nito.

--------------------------
10/01/15
"`Yan pala yung anak ni Aling Tessy!"
"Pagkapayat, ano? Papaano naman makakahanap ng trabaho ang ganyan. Halos buto't-balat nalang!"
"Sayang lang ang pinangpaaral ng magulang sa ganyan!"

Gustong sagutin ni Eunice ang mga tsismosang kapitbahay nila ngunit pinigilan niya ang sarili. Sa halip ay nagpatuloy siya sa paglalakad. Hintayin lang ng mga itong umere ang susunod na season ng Asia's Top Model at may kalalagyan ang mga ito.

--------------------------
Kaibigan ( 10/25/15)
ni Fatima O'Hara
Lumapit ako kay Virgie. Matagal ko na siyang kaibigan at palagi kaming magkasama. Alam kong matutulungan niya ako sa aking problema.
"Gie, may problema ako, eh. Kailangan kong humanap ng blood donor para sa kapatid ko. Samahan mo naman ako, o. Kahit suporta lang. Pinanghihinaan kasi talaga ako ng loob ngayon, eh."
Ngumiti siya sa akin. Tinapik ako sa balikat at sinabing, "Kaya mo na `yan." Ngumiti ako pabalik sa kanya at tumango. Pinagmasdan ko siya habang naglalakad palayo. Gusto ko nang umiyak noon. Napaupo nalang ako sa isang sulok at dumukdok. Doon ako nakita ni Leslie. Isang kakilala. Isang taong hindi ko madalas makasama. Hindi madalas makausap.
Kinalabit niya ako at sinabing, "May problema ka, ano? Kailangan mo ng tulong? Nandito lang ako."
Magsimula nang araw na iyon ay nagbago na ang pananaw ko sa salitang "kaibigan."
--------------------------
Patalim ( 10/25/15)
ni Fatima O'Hara
Nakita niyang nakatingin sa kanya ang isang pares ng mga mata. Walang kahit na anong bakas ng siglang mababanaag sa mga iyon. Wala, dahil ang tanging nakapaloob lamang doon ay pagkasuklam. Kung nasusuklam ito sa kanya, pwes, higit lalo siya rito. Ang pangit nito. Ang pangit-pangit nito. Wala siyang maisip na magandang dahilan kung bakit may nabubuhay pang katulad nito sa mundong ibabaw. Lahat nga ng mga kaklase nila ay nilalayuan ito. Itinataboy ito. Lahat sila ay ayaw rito. Pinagtatawanan ito. Salot kasi ito. Isa itong malaking salot. Ang dapat rito ay mawala. Maglaho. Wala na dapat pa itong ibang taong maperhuwisyo.
Naglabas siya ng patalim mula sa kanyang bag. Nakita niyang naglabas rin ito ng sariling patalim. Wala na siyang pakialam. Hindi na niya iniisip kung anong kahihitnatnan ng gagawin. Kailangang mawala ito. Kailangan nitong mamatay. Iyon lang ang gusto niyang gawin nang mga sandaling iyon. Iyon lang ang gusto niyang mangyari. Iyon lang din ang makakapagpatahimik sa kanya.
Inundayan niya ito ng sunod-sunod na saksak. Sa tiyan, sa braso, sa tagiliran. Kung anong parte ang mahagip ng kanyang hawak na patalim. Ilang sandali pa at tuluyan na itong nanghina. Napadausdos ito mula sa kinasasandalan. Gumuhit doon ang masaganang dugo mula sa sugatan nitong katawan. Napangiti siya. Sa wakas at nagtagumpay siya! Nagtagumpay siyang magapi ito. Nagtagumpay siyang magapi ang kanyang sarili!
------------------------
Luke ( 10/25/15)
ni Fatima O'Hara
"Who knows how long I've loved you You know I love you still Will I wait a lonely lifetime? If you want me to, I will."
Nangislap ang luha sa gilid ng mga mata ni Rose habang pinapanood ang panghaharana sa kanya ni Luke.
"Love you forever and forever Love you with all my heart Love you whenever we're together Love you when we're apart."
Sa buong sandaling kumakanta ito ay hindi nito inilayo ang paningin sa kanya. Tanaw na tanaw niya mula roon ang labis na pagmamahal na ni sa hinagap ay hindi niya akalaing makakamtan niya. Hindi na niya napigil ang sarili at tuluyan na siyang naiyak.
"And when at last I found you Your song will fill the air Sing it loud so I can hear you Make it easy to be near you All the things you do endear you to me Oh, you know I will."
Hindi na kinaya pa ni Rose ang bugso ng kanyang emosyon. Pinatay niya ang video player at nagtatakbo patungo sa kanyang kwarto. Kahit na paulit-ulit pa siyang maluha sa tuwing papanoorin iyon, gagawin niya, masilayan lamang muli si Luke.
--------------------------
01/16/16
Natulala ako nang matanaw si Conrad na naglalakad patungo sa akin. May hawak siyang mga bulaklak. Paglapit ay inabot niya ang mga iyon sa akin at lumuhod.
“Will you marry me, Cynthia?” wika niya na may malawak na ngiti sa kaniyang mga labi.
Napatango na lamang ako at umiiyak na yumakap sa kaniya. Nag-iyakan kami sa balikat ng isa’t-isa. Hindi ako makapaniwala na pagkataposng limampung taon ay muli silang haharap sa altar.
----------------
01/21/16
Nakatayo siya sa gitna ng daan. Ni hindi gumagalaw. Ni hindi kumukurap habang nakatingin sa isang aandap-andap na ilaw. Mayamaya ay bigla nalang siyang nagsimulang tumangis sa di malaman na dahilan. Dala ng pag-aalala at pagtataka ay lumapit ako sa kanya.
"Manong, bakit po kayo umiiyak?" Ang tanong ko.
Ni hindi siya nag-abalang sulyapan ako. "Ang ilaw... wala na." Ang nagawa niyang itugon sa kabila ng pagtangis.
Pinagmasdan ko ang tinutukoy niyang ilaw at naiyak nalang din ako nang makitang buhay iyon at patuloy sa pag-andap.
-------------------------
01/31/16
“Nasabi ko na ba sa’yo?”
“Ang alin?”
“Mahal kita.”
“Nakalimutan mo na ba?”
“Ang alin?”
“Mahal rin kita.”
-------------------------
LOBO (02/03/16)
Pinagmasdan niya ang isang dosenang puting lobong hawak niya bago niya iyon pakawalan mula sa kaniyang mga kamay. Parang nananaginip siya, mga ngiti sa labi niya’y kay dalisay, habang inihahatid ang mga iyon ng tanaw mula sa kalangitan. Subalit, unti-unti, napalis ang mga ngiti na iyon nang sa isang iglap, may maligaw na isang kulay itim na lobo sa bungkos ng kaniyang mga puting lobo. Kunot ang noong luminga siya mula sa di kalayuan, para lamang mabungaran ang isang may katandaan ng lalaki. Kaparis niya, nakamasid din ito sa mga lobo. Blangko ang ekspresyon na mababanaag sa mukha nito bagaman ang mga mata ay punong-puno ng sari-saring emosyon.
“Lahat ng puti ay may itinatagong itim.” Luminga sa kaniyang direksyon ang lalaki at nagtama ang kanilang mga paningin. “Sa mundong ito, lahat ng bagay ay namamantsahan.”
Pagkasabi niyon ay naglakad ang lalaki palayo na para bang walang nangyari habang siya ay tila napiping nanatiling nakaupo sa kaniyang kinaroroonan. Napahawak siya sa kaniyang mga hitang may marka pa ng mararahas na kamay ng kliyente niyang Amerikano kagabi. Unti-unti, kasabay ng pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata, ay lumabo ang imahe nito sa kaniyang paningin. Pero sa kabila niyon, hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang marka sa kanan nitong braso na tanda na minsan ito’y naging isang bilanggo.
-----------------------
02/03/16

"O, bes, mayro'n ka pala uling bagong tula galing sa secret admirer mo." ani Kamille na iniumang kay Gian ang isang nakatuping papel na nahulog buhat sa locker nito. "Di mo man lang ba babasahin?"


"Hindi na, bes. Hindi naman ako interesado. Saka, balak ko nang ituloy ang panliligaw kay Diana." balewalang tugon nito saka siya tinapik sa braso. "Sige, bes, mauna na muna ko."


Nakangiting tinanguan lamang ito ni Kamille. Inihatid niya ito ng tanaw, subalit nakakailang hakbang pa lamang ito ay agad nang nanlabo ang kaniyang paningin, dulot ng luha. Napayuko siya at kumuyom ang kaniyang mga palad. Sayang lang pala ang mga gabing inilaan niya para isulat ang mga tulang iyon.

-----------------
02/12/16

"Ely, tingnan mo ang munting anghel natin. Ang cute cute niya talaga. Nakuha niya ang mapupungay mong mga mata."


Ngumiti si Ely sa asawa saka naluluhang pinagmasdan ang manika sa may crib.

---------------
03/13/16
“I love you,” I told him.
He smiled at me and answered, “Thank you.”
------------------
03/13/16
Nagsialisan na ang lahat subalit si Minda ay nanatiling nakatayo doon. Nilapitan ito ni Jay. Niyakap nang mahigpit.
“Okay lang `yan, mahal,” sabi niya rito. “Magiging maayos rin ang lahat.”
Subalit hindi tumugon si Minda. Hindi rin ito tuminag upang tugunin ang yakap niya. Sa halip ay nanatili itong lumuluhang nakatingin sa kaniyang lapida.
------------------
03/13/16
Noong bata pa ako, ang mga kamay ni ina ang nagsisilbi kong kanlungan. Ito ang humahaplos sa aking buhok upang ako ay makatulog sa gabi. Ito rin ang pumapalis sa mga luha ko sa pisngi. Subalit, higit sa lahat, ang mga kamay niya ang siyang gumagamot sa mga galos na nakukuha ko sa paglalaro. Ngayon, malaki na ako, at masasabi kong walang nagbago. Ang mga kamay pa rin ni ina ang gumagamot sa aking mga sugat... mga sugat na sa kasamaang palad... siya mismo ang may likha.
-------------------
03/13/16
"Good news, Margie!" masayang bungad ng kaniyang abugado. "Laya ka na!"
Sinulyapan ni Margie ang kaniyang abugado. Kakaba-kabang inabot niya ang envelope na hawak nito. Napangiti siya.
"Thank you, Attorney!" maluha-luhang sabi niya. "Sa wakas, makakapagsimula na rin ako ng bagong buhay."
Aniya na itinago na sa bag ang naturang envelope na naglalaman ng aprubadong annulment papers.
-----------------
03/13/16
Palagi kong nakikita si Mang Gardo sa labas ng school namin. Matiyaga siyang nagtitinda ng ice drop sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Naisip ko, siguro, sobrang proud sa kaniya ng pamilya niya. Ang sipag-sipag kasi niya at ginagawa niya talaga ang lahat para lamang kumita ng pera para sa kanila. Kaya naman, nang minsang magkaroon kami ng assignment patungkol sa pamilya, lumapit ako kay Mang Gardo.
“Mang Gardo, heto po ang papel at lapis,” sabi ko sa kaniya. “Pakidrowing n’yo po diyan kung ano ang pamilya para sa inyo.”
Kinuha naman iyon agad ni Mang Gardo. Walang imik siyang nagsimula sa pagguhit habang ako naman ay matiyagang naghihintay sa kaniya. nang matapos si Mang Gardo, excited kong kinuha mula sa kaniya ang papel na pinagguhitan niya. Natigilan ako nang makita ang labing-dalawang pusang nakaguhit mula doon.
------------------------
POBRE (03/13/16)
ni Fatima O’Hara
“Pobre na ako, pare! Pesteng sugal iyan! Kasalanan niya kung bakit ang bahay, isang sasakyan, at kalahating hektarya na lamang ng lupain ang natitira sa akin!” hinaing ni Jerry sa kaibigang si Jopet na walang permanenteng tinitirahan, walang sasakyan, at walang pagmamay-ari kahit na lupang nakapaso man lang.
----
"Sa gitna ng giyerang kasalukuyang nagaganap sa mismong harapan niya ay mas pinili niyang ipikit ang kaniyang mga mata habang sa kaniyang isipan ay pumapailanlang ang misteryosong liriko ng isang kanta."


♪ Living is easy with eyes close, misunderstanding all you see ♪♪



Pagkukuwento ng bulag na matanda sa kaniyang apong pangarap maging isang sundalo.

------------------------
5/29/2016
Kamusta ka na?" tanong nito sa kaniya. "Kamusta ang heart operation mo?"
"Okay naman..." aniya habang binibigkas sa isip ang mga kasunod na salitang hindi niya magawang sabihin rito. "Okay naman hanggang sa makita kita ngayon at bumalik lahat ng sakit."
------------------------
4/5/2016
Naglalakad si Benj patungo sa may second gate. Pagod at gutom siya dahil sa maghapong klase. Pagdating doo'y agad siyang sumakay sa naghihintay na dyip. Wala pang ilang minuto ay may tumabi sa kanyang isang babae. Halatang pagod at gutom rin ito, ngunit lingid sa kaniyang kaalaman, di tulad niya ay di ito nagkagayon dahil sa maghapong klase. Napagod at nagutom ito dahil sa kakaabang at kakahintay... sa kaniyang pagdaan.
"Huy, nakita namin kanina yung crush mong taga-Vet." sabi sa kaniya ng kaklase niya. "Ano na ngang pangalan no'n? Be... ano na `yon? B-benj ba?"
"Ah, si benj," balewalang sagot niya. "Nako, di ko na crush `yon."
Pagkasabi niyon ay dinampot niya ang kaniyang mga libro at isinukbit ang kaniyang bag.
"O, san ka punta?"
"Library lang," tugon niya. "Gagawa akong thesis"
Nagsimula na siyang maglakad subalit hindi pa gaanong nakakalayo ay muli nang umalingawngaw ang tinig ng kaniyang kaklase.
"Huy, gaga!" nakatawang sigaw nito. "Daan papuntang Vet `yan, sa kabila yung pa-library!"


------------------------

4/21/2016
------------------------
6/11/2016
"Bes, ano?" pukaw sa kanya ng kaibigan, "Ready ka na for grad ball?"
"Nako, hindi na siguro ako pupunta ng grad ball," desididong tugon niya rito, "Alam mo namang hindi ako mahilig sa mga gano'ng--"
"Pupunta raw si Benj," pamumutol nito sa kaniyang sinasabi, "Chinika sa akin ng blockmate niya."

"Actually, alam mo, masarap din naman magpunta sa mga gano'ng event minsan," bawi niya, "Kelan na nga uli iyon, bes?"
------------------------
10/18/2016
"Sino ka?" tanong sa akin ng matanda sa aking harapan. "Sino ka?"
"Concerned citizen," tugon ko bago ko siya ihinabilin sa nurse ng institusyong iyon. Habang naglalakad ako ay naririnig ko pa rin ang paulit-ulit niyang pagtatanong ng "sino ka?" Napalunok ako sabay bulong ng, "Patawad, tatay."
------------------------
4/28/2017
"It's okay, Anya," tinapik-tapik siya sa likod ng guro nila. "It's okay."
Pero hindi nagawang kumalma ni Anya. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak habang pinagmamasdan ang bangkay ng bestfriend sa banyo ng kanilang paaralan. Laslas ang kanang pulso nito.
"P-pwede ko po ba siyang lapitan, Ma'am?" pagkuwan ay tanong niya sa guro.
Napabuntong-hininga ang guro---tumango. Nilapitan niya ang bestfriend. Iyak siya nang iyak.
"Annika, bakit?" lumuluhang bulong niya. "Bakit ko ito nagawa sa'yo?"
------------------------
10/23/2017
"Alam mo ba kung anong nangyayari sa tuwing kinakalimutan mong magdasal sa gabi bago ka matulog?" Tanong ni Lolo Tonyo sa kaniyang apong si Isaac.
Umiling ito.
"Kapag nakalimutan mong magdasal ay malayang nakakalapit sa'yo ang mga ligaw na kaluluwa, apo." tugon nito na lumalim ang tinig. "Pinapaligiran ka nila at pinapanood ang iyong pagtulog."
Napalunok si Isaac.
"Kaya lagi kang magdadasal sa gabi, apo, ha?"
Tumango si Isaac at inihatid ng tanaw ang lolo na pumasok ng kusina. Nang mawala na ang matanda ay umalingawngaw ang isang bungisngis.
"Sus, wag kang maniwala doon," anang duguang bata sa kaniyang tabi na umakbay pa sa kaniya. "Tara, laro na tayo?"