Noong bata pa si Dumbo, palagi
siyang tinatalakan ng nanay niya. Bakit
raw puro ribbon ang natatanggap niya tuwing recognition, samantalang ang
kapitbahay nilang si Nerdie, palaging medalya ang inuuwi. Taon-taon iyon,
hanggang sa, magtanim na ng galit si Dumbo sa ribbons---hindi sa nanay niya.
Sinisisi niya ang mga ito kung bakit hindi siya mahal ng nanay niya at palagi
siyang pinagagalitan. Isang araw, nang maabutang wala sa bahay ang nanay niya,
pinagsusunog niya ang lahat ng ribbons na natanggap niya habang sumisigaw ng,
“Matitikman ninyo ang ganti ng isang api!” sa tarangkahan nila habang nakaluhod
humahampas-hampas pa sa lupa.
Labing-limang taon ang nakalipas,
mayroon nang pamilya si Dumbo. May maganda siyang asawa at matalinong anak na
hindi nagmana sa kaniya---si Junjun. Subalit sa kabila niyon, hindi pa rin
nawala ang galit niya sa mga ribbon. Labis pa rin ang poot na nararamdaman niya
sa tuwing makakakita siya niyon. Isang gabi, umuwing beastmode si Dumbo.
Umuusok ang bunbunan niya sa galit. Hindi na sana siya papansinin ng asawa
dahil nanonood ito ng paborito nitong teleserye, ang kaso’y dabog siya nang
dabog. Yumayanig ang bahay pati na rin ang antenna ng TV at hindi ito
makapanood nang maayos. Kaya naman, alang-alang sa paborito nitong teleserye,
sinubukan siya nitong pakalmahin.
“Bakit ba, hon?” tanong nito sa
kaniya. “Ano bang nangyari at galit na galit ka?”
“Nakakita ako ng ribbon,”
sambakol pa rin ang mukha na tugon niya rito. “Ugh… tangina!”
“Diyos ko naman, Dumbo! Puwede
ba, kalimutan mo na ang galit mo sa mga ribbon. Maawa ka!” Maawa ka, hindi ako makapanood nang maayos, ang gusto talaga nitong
idugtong ngunit sa huli’y napigilan. “Ang tagal-tagal na no’n. May pamilya ka
na! Saka, isa pa, matagal nang wala ang nanay mo.”
Sa halip na maliwanagan ay lalong na-beastmode si Dumbo.
Sinapak niya ang poste sa tabi. Nagtatalon siya na parang palaka pagkatapos.
Tangina, masakit pala. Bakit niya ginawa `yon?
“Dumbo, kalma!” sigaw nang misis
niya na takot na takot maalog uli ang antenna ng TV dahil kaabang-kaabang ang
susunod na eksena sa pinapanood nito. “Kumalma ka, parang awa mo na!”
“Tangina, pa’no ko kakalma,
Susan!?” sabi niya rito na kulang na lang ay mag-walling para mas intense. “`Yung
ribbon… nakita ko… NAKATALI SA ULO NI JUNJUN.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento