“Letse ka, Monica!” sigaw ni Sandra. “May manliligaw kang Chinese?”
Napahinto ako sa pagkatikot ng tingang sumabit sa ngipin ko gamit ang basyo ng kendi.
“Weh? Baka naman Chinese-chinese-an lang `yan!” sabi ko nang akmang bubuka ang bibig ni Monica para magsalita. “Baka naman nagtatrabaho lang `yan sa Chowking kaya feeling niya, Chinese siya!”
Sinimangutan ako ni Monica.
“Manahimik ka nga riyan, Pat!” ang sikmat sa’kin ni Jessica bago excited na balingan si Monica. “Siya nga ba’t may manliligaw kang Chinese?”
“Well…” dumikwatro si Monica. Nanghahaba ang ngusong inipit ang buhok sa likod ng tenga. `Di ko naiwasang magtirik-mata. Pabebe ang pota! “Ganito kasi `yon. Nakasakay ko siya sa bus. Nagtanong siya sa akin kung alam ko raw ba `yong—”
Pinagtugtog ko nang malakas `yong music sa selpon ko. “Sweet Child of Mine” ng Guns N Roses. Orayt, rakenrol to da world! Nagtinginan sila nang masama sa’kin.
“Putangina naman, Pat!” nanghahaba ang leeg na bulyaw sa’kin ni Sandra. “Konting respeto naman, nag-uusap kami rito, oh?!”
“Sorry,” napangiti ako nang tabingi. Pinatay ko na nang tuluyan ang music.
“Oh, pagkatapos?” kalabit ni Jessica kay Monica. “Anong nangyari pagkatapos?”
Pinagpatuloy na ni Monica ang pagkukwento habang ako naman ay pinipilit mag-behave hanggang sa abot ng aking makakaya.
“So, ayon nga, hindi na niya `ko nilubayan mula no’n,” maarte pa rin na pagkukwento ni Monica. “Na-ko-confuse na tuloy ako! Shocks! Ene be yen!”
“Hindot na `to! Ang lande-lande! Um!” hinila ni Sandra ang dulo ng buhok nito. “H’wag ka nang mag-inarte pa riyan! `Di ba matagal na naman kayong waley ni Jesse? Bruha, ito na ulit ang chance mo!"
“I know. Kaya lang kasi…” napakamot ito ng ulo. “Kaya lang baka pati kili-kili ko duguin do’n. English spokening dollar, eh! Ang hirap kausapin!”
Natawa ko. Ayon, ang landi kasi, bobo naman! Hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi sumabad.
“Okay lang `yon, kapag naubusan ka ng Ingles, kantahan mo nalang ng Butsikik!” sabi ko. “Kung totoong Chinese siya, maiintindihan niya `yon!”
Pinukol ulit nila ako ng masamang tingin.
“Nakukulot lalo ang pubic hair ko sa’yo, Pat! Alam mo `yon? P’wede ba manahimik ka na?!” ani Jessica. “Kanina ka pa, eh! Babalibagin na kita ng bakya riyan, eh! Yung sakto sa acne mo para mabawasan naman ang aktibong bulkan diyan sa pagmumukha mo!”
Sinimangutan ko sila. Nanahimik na ko nang tuluyan pagkatapos. Baka kasi totohanin ng loka at sa halip na mabawasan ang acne sa mukha ko ay madagdagan pa ng bukol. Isa’t-kalahating oras yata akong nagtiyagang makinig sa tsismisan ng mga hayop. Noong una, okay pa, eh. Pero nang magsimula ng magpayabangan ang mga ito tungkol sa mga naging lalaki nila ay doon na tuluyang pumait ang panlasa ko. Kesyo si Sandra raw ay may naging boyfriend na football player. Si Jessica naman daw ay isang sikat na painter. Neknek n’yo, ako naging boyfriend ko si Darth Vader, eh! Ang gusto kong ibanat sa kanila pero pinigilan ko dahil alam kong pagtatawanan lang nila ako.
“Mga buddy, labas muna ko,” sabi ko, medyo emosyonal na. “Magpapahangin lang.”
Tinanguan lang ako ng mga putangina! Ni hindi man lang nahimigan sa boses ko na may dinaramdam na ako. Putangina talagang mga `yon! Lumabas na ako at sinara nang malakas ang pinto. Gusto kong maglupasay. Gusto kong humagulgol. Gusto kong magpakalunod sa aquarium! Ang insensitive ng mga hayop! Kung mag-usap tungkol sa mga lalaki nila, parang wala ako sa harap nila. Oo na, bitter ako! Bitter ako dahil sa aming magkakaibigan, sila ang ligawin, sila ang nagkaboyfriend ng sandamakmak. Ako na ang NBSB! Ako na ang walang lovelife! Ako ang tatandang dalaga! Walang poreber, mga putangina nila!
Shit, `di ko maiwasang hindi mapamura, eh. Ang sakit lang kasi. Ang sakit-sakit, hayop! Bakit ba walang nakakapansin sa akin? Bakit walang nagtatangkang manligaw sa akin? Bakit ang dami-dami nilang lalaki, samantalang ako, wala kahit isa. Ang unfair, putangina! Ang unfair talaga! Bakit ba ang lupit ng tadhana sa akin? Sa aming apat naman, AKO ANG TUNAY NA BABAE RITO AH?!

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento